Maraming tumatakbo sa bawat isipan ng tao. Gaya ko...kadalasan, maraming tumatakbo sa aking isipan. Mga bagay na maaring hindi magustuhan ng ibang tao, maaring mga kaisipang ikatutuwa, ikaiinis, ikalulungkot, ikalilito at minsan mga kaisipang pinandidirian ng tao. Ayan ang mga bagay na "TAMBAY" sa utak ko. Hindi naman ako psychology student at wala akong alam sa field na iyon, hindi rin naman ako mahilig sa siyensa na may kinalaman sa utak at pag-iisip ng tao. Siguro nagkataon lang na sa sobrang dami kong naiisip, marami akong napagtatanto, tama man o mali, at least, alam ko na nagbubunga ang pag-iisip ko ng kung ano-anong mga bagay.
Lahat ng tao ay may kakayahang mag-isip. May kwenta man yan o wala. Ang mahalaga ay nagagamit mo ang utak mo kahit na hindi mo alam kung nagagamit mo ba ito ng tama o hindi. Ano nga ba ang koneksyon ng takbo ng pag-iisp sa takbo ng isang indibidwal sa kanyang buhay? Ang totoo? Hindi ako sigurado. Pero ang alam ko, sa sarili kong karanasan, malaki ang epekto ng kaisipan sa kung paaano mo papalakarin ang iyong mga paa, kung paano mo ibubuka ang iyong mga labi, kung paaano ikukumpas ang iyong mga kamay, kung paano ka kikilos, kung ano ang iyong magiging emosyon sa bawat araw, at kung paano mo titingnan ang mga bagay-bagay. Negatibo man ito o hindi. Dahil kung hindi ka nag-iisip, malamang sa malamang, hindi ka tao. Bakit? Wala nang kwenta ang buhay kung ultimo para sa sarili mong kapakanan, wala kang pakinabang. Pero, alam ko namang nag-iisip ka, kaya wag kang mag-alala.
PAANO MO PAPALAKARIN ANG IYONG MGA PAA BASE SA TAKBO NG IYONG PAG-IISIP?
May mga punto sa ating buhay na para tayong naliligaw, o hindi tayo makapag desisyon kung saan ba tayo dapat magtungo, o saan ba tayo dapat lulugar. Ako? Madalas malito ang mga paa ko. Hirap akong mamili sa mga lugar na kung saan ba ako dapat pumaroon. Kadalasan rin, wala ako sa lugar. (Sa lahat ng aspeto, hindi lamang sa literal na kahulagan kung saan ako dapat lulugar)
Ayan ang problema ko. Dahil nga sa marami akong iniisip, ang bunga nito, ang mga paa ko ay nagkakaroon rin ng sarili pag-iisip. Oo. Iniisip nila na kaya nilang magtungo sa magkaibang lupalop sa parehong oras. Pero kung sa ibang tao, paano nga ba naapektuhan ng pag-iisip ang ating mga paa? Yung pakiramdam na pareho mong gusto makapunta sa dalawang lugar. Hindi ka makapili. Wala kang magawa.
Simple lang. Parang ganito lang yan eh. Sa eskuwelahan, kung ikaw ay isang uri ng tao na laging nag-iisip tungkol sa iyong pag-aaral, saan ka ba dapat tutungo? Sa lugar ba na maingay, o sa lugar na magagawa mo ang gusto mo na kung saan ay makakapag-isip ka ng maayos? Saan ba dapat pumunta ang taong laging naghahanap ng makakausap? Sa library ba? Saan ba dapat pumunta ang taong mahilig kumain? Eh ang taong wala naman sa paaralan ang pag-iisip kundi nasa dyowa o di naman kaya'y nasa computer shop? Napaka dali nang sagutin ng mga katanungang yan. Dahil sa ating mga sarili mismo mangagaling ang mga hinahanap nating kalinawan.
Ngunit paano kung tayo'y nasa punto ng kalituhan? Ano na ang mangyayari sa atin? Susundin pa ba natin ang ating pag-iisip at ang ating personalidad? O bahala na kung saan tayo dalhin ng tadhana? Ayan ang iiwan ko sa inyong katanungan.
PAANO MO IBUBUKA ANG IYONG BIBIG AYON SA IYONG PAG-IISIP?
Maaring ngayon ay barubal ka magsalita, maaring bukas hindi na. Paano ka ba mag-isip? "Baboy" ka ba mag-isip sa lahat ng oras? O paminsan minsa'y nagiging pormal ka rin naman?
Napakadaling magbago ng pag-iisip at pamamaraan ng pananalita ng tao. Minsan pa nga ay kahit hindi naman angkop sa diskurso, may mga bagay kang bigla mo nalang nasasambit, paano, tinulak ng ngala-ngala mo ang dila mo kaya ito nadulas. Ayon kasi ang kasalukuyan nasa isip ng tao habang siya ay nagsasalita. Kaya kahit napakalayo sa usapan, bigla-biglang lumilitaw.
PAANO KA KUMILOS AYON SA IYONG PAG-IISIP?
O paano ka mag-react sa mga nangyayari sa iyong paligid? Paano kung bayolente ka mag-isip? Mananapak ka nalang ba agad-agad? At pagtapos ay bigla mong sasabihing natakpan ng mga talukap ang iyong mga mata at BIGLANG NAGDILIM LANG ANG IYONG PANINGIN? Siguro ayos lang iyon para sa'yo at iisipin mong mapapatawad ka rin naman agad ng sinapak mo dahil hindi mo naman sinasadya.
Pero sa kabilang banda, paano yung taong nasaktan mo? Ayos lang rin kaya sa kanya na basta-basta ka na lang patawarin nang hindi nakakaganti? (Lahat tayo gustong makaganti pag nasasaktan tayo. Wag ka na magdeny. Hindi ka naman Santo. Tao ka.)
Kaya nga sabi ng mga teleserye, guro, pari at pati na rin ng mga magulang natin... Pag-isipan mo munang mabuti ang mga bagay na gagawin mo bago ka kumilos. Paano ka ba mag-isip? Padalos-dalos ba o nagninilay-nilay ka muna ng mga tatlong linggo bago gumawa ng aksiyon?
PAANO MO TINGNAN ANG MGA BAGAY-BAGAY AYON SA IYONG PAG-IISIP?
Masayahin ka bang tao o lahat na ng negatibong aspeto sa isang buhay ng tao ay taglay mo?
Alam mo naman na siguro ito? Pero ito ang isang halimbawa:
Si Masayahin ay naglalakad ng masaya, ngunit sa kasamaang palad ay nadapa ito at sumusob ang mukha nito sa tae ng aso na kulay yellow.(paano titingan ni Masayahin ang pangyayaring iyon?)
Siguro iisipin niyo, dahil nga sa masayahin siya, okay lang sa kanya at hindi siya mababadtrip. Tama naman iyon. Pero naisip ko, ito ang sasabihin niya. (Monologue)
MASAYAHIN: Ay! Hala ang galing! Pag nakatapak ng tae di ba ibig sabihin swerte? Paano pa kaya yung nakakain? Uuwi ako't ipagkakalat ang magandang balita. maghihilamos na rin at magsisipilyo.
(Nakakain? akala ko ba nasubsob lang?)
OO! Nakakain! Bakit? Siyempre pag nadapa ang isang tao, mapapasigaw ito, paano ba sumigaw? Hindi ka naman makakasigaw kung nakasara ang mga labi mo.
Positibo. Paano mo titingnan ang pinaka negatibong pangayayari sa pinaka postibong paraan? Parang paglipad. Imposible sa tao ang lumipad. Pero iisipin mo na kaya mong lumipad dahil postibo kang mag-isip. Hindi ka man literal na ikaw mismo ang lilipad, pero dahil sa kakaisip mo ng mga paraan, makakalipad ka.
Sa inyong palagay, ano kayang mangyayari kung kay Busangot nangyari ang kapalaran ni Masayahin? Palagay ko, lahat ng murang alam nito sa kahit na anong lenggwahe at diyalekto ay nasabi na nito.
Ito ang nangyari:
Si Busangot ay naglalakad ngunit sa napakasaklap na pangyayari ay nadapa ito at sumubsob sa Tae ng aso na kulay yellow.(Gaya rin ng kay masayahin, nakanganga rin siya at nakakain ng kaunti lang naman)
BUSANGOT:%&^%$&$^&^&%^&^**&*%*&%*&%*&%*%&%^@!$!#$%$%@$%@$%$#%^%^^&%*&**%&$%^@#%@$!$@#$%$^%&^&%*^(
Kung ano man ang mga sinabi ni Busangot, eh hindi ko na alam. Kayo na ang bahalang mag-Fill in the Blanks.
Si Busangot ay naglalakad ngunit sa napakasaklap na pangyayari ay nadapa ito at sumubsob sa Tae ng aso na kulay yellow.(Gaya rin ng kay masayahin, nakanganga rin siya at nakakain ng kaunti lang naman)
BUSANGOT:%&^%$&$^&^&%^&^**&*%*&%*&%*&%*%&%^@!$!#$%$%@$%@$%$#%^%^^&%*&**%&$%^@#%@$!$@#$%$^%&^&%*^(
Kung ano man ang mga sinabi ni Busangot, eh hindi ko na alam. Kayo na ang bahalang mag-Fill in the Blanks.
***
Maraming pwedeng magawa ang masinsinang pag-iisip. Dahil sa pag-iisip ng tao, umunlad ang pamumuhay natin. Sana nga lang ay gamitin natin ang kapangyarihan nito sa mabuting paraan nang sa gayon ay hindi masayang ang lahat ng oras na iginugol ng mga tao noon sa pag-iisip.
Ang kapangyarihan ng ating pag-iisip ay ang kakayahan nitong patakbuhin ang ating buhay sa lahat ng paraang ating maiisip. Gaya nga ng lagi kong itanatanong sa artikulong ito, Paano ka ba mag-isip. Isipin mo na kaya mo. Isipin mo na lahat ng bagay ay nasa kung paano mo ito iisipin. Magulo ba? :D Ganyan talaga, para mag-isip ka.
Ang buhay natin, magulo yan. Maraming buhol, maraming dumi. Nasa pag-iisip mo kung paano mo malalagpasan ang lahat ng 'yan. Karapatan mong mag-isip, may kapangyarihan kang mag-isip. Sana'y wag mong sayangin. Gaya nga ng sabi nila, "Isip-isip din pag may time."
Ang koneksyon ng isip sa kabuuan ng isang tao ay isang personal na bagay, isang malalim na balon ng lenggwahe, emosyon, karanasan at persepsyon. Ang isip ng tao ay may kakayahang kumislot, gumalaw at nakapangyayari. Isa itong malawak na dimensyon ispiritwal na dumadaloy mula sa Dibino patungo sa iyong kamalayang mortal. Ang pag-unawa sa pang-unawa ng tao ay isang napakahirap na gawain. Ngunit ang isip natin ang siyang nagbibigay direksyon sa lahat ng ating tunguhin, at nagsisilbing babala at tagapag-usig ng ating damdamin. Kaya kailangan maging malinaw palagi ang pag-iisip, upang maging kaaya-aya ang ating mga salita at kilos.
TumugonBurahinAng isip ng isang indibidwal ay konektado sa Buong Pagkamalay.
Magandang pagtataya at pagtingin sa mekanismo ng isipan!