PUSA ang isa sa mga pinaka malambing na alagang hayop sa mundong ito. Gaya ng pusang ito na nakita kong nilalaro ng kapitbahay ko. Sabi niya, nakita niya itong pusa sa bahay na pagitan ng aming mga tahanan, kadalasang walang tao roon, ngunit pag meron, talaga namang naglalagay ng makakain para sa mga pusa ang may ari ng bahay na iyon. (Mabait naman kasi si Kuya) Kaya naman siguro doon na naisipang manganak ng nanay ng kuting na ito. Dahil bukod sa may bubong sila roon, eh may magpapakain sa kanila roon. Dahil nagkataong nandoon si kuya ng mga panahong nanganak ito.
Isang gabi ay nakita ito ni Ate na talaga namang napakahilig sa pusa. Kaya naman pinasok niya ito sa kanyang bahay at doon pinakain, pinainom ng gatas at kinupkop. Yung nga lang, umiiyak rin ito dahil hinahanap nito ang kanyang nanay. Sa di malamang kadahilanan may nakita si Ate na pusang nagaabang at sumisilip-silip sa harap ng bahay nila, kaya naman, kinabukasan binalik rin niya ang kuting sa kanyang ina na sa katabing bahay naglalagi.
Nang hapong iyon, nang ako ay papauwi, ayun na nga't nakita ko si Ate na nilalaro ang magiina. OO, mag-iina kasi dalawa pala silang kuting. Itim at puti yung kapatid niya ganyan rin ang mata 'yun ngalang ayaw pa magpa-picture. -__- Pero dahil napaka cute nilang dalawa, hindi na muna ako pumasok sa bahay.
"Earl Picture-an mo!" sabi sa akin ni Ate.
Kaya ayan, may picture siya. Sa sandaling panahon na nasilayan ko ang pusang ito, hindi na siya nahiyang mag-pose para sa camera ko. At sa maikling panahon na iyon, naglalambing na siya sa akin. Ngayon, nasa bahay na siya ni ate. Maligaya na siya ron, maligaya na rin si Ate.
Ganyan magpaligaya ang mga hayop. Hindi lamang ang mga pusa. Mahalin mo sila ng buo, at mararamdaman mo ang tunay na pagmamahal nila sa'yo, hindi nga lang sa makataong paraan, ngunit sa sarili nilang pamamaraan at kagustuhan.
So for those people who doesn't have a pet yet. Try to have one. It's just completely satisfying. You'll be happy, and also, you'll be the reason for your pet's happiness. :)
ITO YUNG MGA PICTURE NI KUTING
I even used these photos on our photo essay :)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento