Si Bugris ay isang baboy. Mataba, maputi, masiyahin, pero siya ay baboy. Marami man ang nangdudusta dahil sa kanyang kababuyan at katabaan, hinahayaan nalang niya. Sinasabi nalang niya sa sarili niya, "Ganyan eh, mga hayop lang talaga."
Dahil sa kababuyan ni Bugris ay maraming nang-aasar at may ayaw sa kanya, ngunit, dahil na rin sa kababuyan niya sa parehong paraan, marami siyang napapatawa, marami siyang naging kaibigan. Kaibigan na ring masasabi dahil maayos naman ang pakikitungo nila kay Bugris.
Marami pang ibang hayop na kaibigan si Bugris. May kambing, kabayo, tilapia, bisugo, may broccoli na rin, at marami pang iba. May ahas pa nga minsan eh. Pero ganun pa man, sa kabila ng kanilang pagkakaiba ay masasabi namang maayos ang kanilang samahan sa pang-araw-araw na basehan. May hindi pagkakaintindihan, pero ayus lang. Sama-sama silang namumuhay sa isang lugar na kung saan sila naghahasik ng kani-kanilang kahayupan.
Sanay na sila sa bawat isa. Hindi man perpekto ang pag-uugali ng bawat isa, nagagawa pa rin naman nilang mamuhay ng tahimik maliban nga lang pag nagsama-sama na silang mga hayop dahil napaka-iingay nila. Pare-parehong mga tunog, pare-parehong mga amoy, pare-parehong mga mukha ang naririnig, naaamoy at nakikita nila sa araw-araw na ginawa ni Bathala.
Napaka saya lang isipin na magkakaiba man sila ng tunog na ginagawa, nagkakaintindihan pa rin sila. "OINK! TIKTILAOK! HISSSS! MOOO!" Ganyan sila magusap.
Isang araw, may bagong salta sa Animalia. (Kaharian ng mga Hayop) Isang malaking hayop na maamo ang mukha. Kung titingnang mabuti, parang ang lambot-lambbot niya. Parang mas malambot pa kesa kay Bugris. Mabalahibo. Maitim ang mga mata niya, gayon na rin ang kanyang mga braso, binti at maging ang kanyang tenga, samantalang puti naman ang kanyang ulo at katawan.
TRANSLATED into Filipino:
"Anong Hayop yan?" tanong ni Bugris sa kaibigan niyang tutubi- si Tintin.
"Panda 'yan, galing siya sa kaharian ng mga tao na guhit lang ang mga mata", tugon nito.
"Ang cute naman niyang hayop. Kakaibang oso. Ngayon lang ako nakakita ng tulad niya." Nakakangangang sabi ni Bugris sa kanyang kaibigan habang sumusungkal ng darak.
Hindi natapos ang araw na iyon ng hindi nakikipag kilala ang baboy sa oso. Mainit namang tinanggap ng bagong kakilala ni Bugris ang inalok nitong pagkakaibigan. Para bang nasa alapaap ang baboy. Tila tinubuan ito ng pakpak at sabay inilipad sa himpapawid ang kanyang buong katawan dahil sa ligaya. Masaya siya at nagkaroon siya ng pagkakataong makausap ang isang napakagandang hayop.
"HAYOP SA GANDA"
Buong araw ay magkasama sa kagubatan ang dalawang bagong magkaibigan at sa hapon naman ay sabay silang umuuwi sa kani-kanilang mga tahanan kasama ang kanilang iba pang hayop nilang mga kaibigan. Habang tumatagal, lalong lumalalim ang pagkakaibigan ni Bugris at Meiling. (Pangalan nung Panda)
Hanggang sa isang araw nalang ay may naramdaman si Bugris na kakaiba. Para bang inaalog ang mga taba nito sa katawan, tumatayo rin ang kanyang mga balahibo sa tuwing nagkikita sila ni Meiling.
"Naiinlove na ba ako sa kanya?"
Ewan ko. Hindi niya alam. Hinayaan lang niya ang kanyang nadarama. Itinago ito at palihim na lamang na umibig kay Meiling. Ngunit, alam naman nating lahat na lahat ng iniipon-dumarami. At lahat ng dumarami-naiipon. At lahat ng naipon, napupuno, at pag napuno na, kusa na itong lalabas sa pinagkakalagyan nito.
Simula ng nalaman ni Meiling na may nararamdaman si Bugris sa kanya ay nagumpisa nang maglaho ang kanilang pagkakaibigan. Hindi na sila nag-uusap at hindi na rin sila nagpapansinan. Nanghihinayang man si Bugris, wala naman siyang magawa. Gustuhin man niyang lumapit, hindi pwede.
Naglaho man ang kanilang pagkakaibigan, pero ang pagmamahal ni Bugris-hindi. Sana ganoon nalang kadaling burahin ang damdamin ano? Sana ganon nalang kadaling lumimot. O kaya naman natuturuan ang puso na ibaling nalang sa ibang bagay ang nararamdaman nito kahit pa utak naman talaga ang nagsasabi kung sino ang mamahalin ng isang hayop o tao. Sana hindi ganoon kasakit pag hindi tinanggap ng isang hayop ang pagmamahal mo para sa kanya. Sana may sariling pag-iisip ang mga mata para alam nito kung para kanino luluha. Sana alam mo nalang agad kung may makukuha ka bang pagmamahal kahit kaunti o wala. Puro sana, ang daming sana, pero hanggang sana nalang.
Alam ni Bugris na wala nang kahahantungan pa, pero hindi niya alam kung bakit umaasa pa rin siya. Siguro, ang pinakamasakit na yugto sa buhay ng isang nagmamahal na hayop ay yung hindi mo matanggap sa sarili mo na hanggang doon nalang ang mararating mo. Wala na ngang pag-asa pero hindi mo alam kung saan ka humuhugot nito at umaasa ka pa rin.
Dumaan ang mga araw at wala pa rin. Tila may hinihintay ang Baboy. Kung ano man 'yon hindi niya rin alam kaya wag mo akong tanungin.
Hanggang sa dumating nalang yung araw na napagtanto ni Bugris na kahit kailan hindi babagay ang isang baboy sa isang oso na galing China na kumakain ng kawayan. Kahit anong pilit niya, wala pa rin namang magagawa dahil hindi nga pwede kahit na lumuha pa siya ng dugo.
Kaya naman tinaggap nalang lahat ni Bugris at naging masaya nalang ito sa kanyang kababuyan at sa piling ng kanyang mga kaibigang over din sa kahayupan.
Nice! Hahaha! Baboy ba o Panda?
TumugonBurahinbaboy nalang :D
TumugonBurahin