Martes, Oktubre 29, 2013

Ikaw ang buhay ko

Dying for the one you love.

Napaka selfless. Napakasarap pakinggan, pero syempre pag nandun na sa puntong iyon, ayaw mo rin namang ikaw ang maging dahilan ng pagkawala ng tanong nagmamahal sa'yo. Tama na siguro yung alam mong handa siyang ibigay lahat. Hindi mo na kailangang literal na mapatunayan 'yon sa sarili mo dahil sa mga kilos palang niya sapat na at makuntento ka na doon.

Pero ibang istorya naman yung nagpapakamatay o nagtatangkang magapakamatay dahil sa pag-ibig.

Well, hati ang opinyon ng tao diyan... dahil sasabihin ng mga romantiko, wagas lang talagang magmahal ang isang tao kaya niya naiisipan ito. Para bang mas okay nang mamamatay kaysa sa mabuhay siya ng hindi hindi niya kasama ang taong minamahal niya. Pangalawa, may ilang magsasabi na marami pang ibang babae o lalaki sa mundo at hindi niya dapat sayangin ang buhay niya para sa iisang tao lamang. Pangatlo, sasabihin ng mga nagmamatalino, baka may sira ang ulo. Pang-apat, naduduwag.

Sino nga naman ba tayo para manghusga? Ewan ko. Sa apat na iyan sumasang-ayon naman ako... na pwedeng baka ayun nga ang dahilan, pero hindi buong-buo. Dahil naman alam ko, na ang mga yan ay biglaang konklusyon lamang. Enthymeme ata ang tawag dun base sa napag-aralan ko sa Retorika. Pagbibigay ng kongklusyon base sa kung anong impormasyon ang nakita nila. Hindi na nasundan ng pag-aaral pa o paghahanap pa ng ibang detalye.

Una, wagas na pagmamahal? Eto yung puntong sinasabi natin na "Ikaw ang buhay ko". Sweet pakinggan... hanggang dumating nalang sa puntong nasasakal na ang taong minamahal natin kasi sinasabi natin na ikamamatay natin ang pagkawala niya. Out of guilt and fear na baka nga mamatay o magpakamatay ka... syempre hindi ka niya iiwan. Pero darating sa puntong awa nalang at walang nang pagmamahal ang nararamdaman sa'yo ng partner mo. At iyon ang mahirap. Lalong nagkakagulo... gumugulo ang sitwasyon.

Pangalawa, sana iniisip mo na marami pang tao sa mundo at hindi naman worth it ang pagpapakamatay mo para lang sa taong nakatakda lang na dumaan lang talaga sa buhay mo. Pero kung tutuusin, kung talaga ngang wagas kang magmahal, yun at yun lang talaga ang maiisip mong paraan. Para bang ang sarap sabihan nung mga taong nagsasabi na, 'marami pang iba jan!' ng, 'Palibhasa kasi hindi niyo naman nararamdaman ko!'

Ano nga naman ba kasi ang alam nila? Although, nakikiramay sila pero pinagmumukha kang tanga in the same way. OO! Alam namin na marami pang iba jan, pero wala naman nang ibang "SIYA" eh! Siya lang talaga.

Sasabihin pa nilang "There's a ton of Fish in the Ocean!" eh di sila kaya mag-asawa ng isda. Pero seriously, wala silang karapatang manghusga ng taong nagmamahal lang naman ng wagas.

Pangatlo, sira ang ulo. Baka nga. Kaya dapat hindi sila husgahan. Dapat iniintindi pero hindi tinotolerate.

Pang-apat, naduduwag. OO. naduduwag. Naduduwag silang harapin ang bukas ng mag-isa. Lahat naman tayo takot mag-isa. Kaya dapat iparamdam natin sa kanila na hindi sila nag-iisa pagdating ng bukas kahit na wala na sila ng taong mahal niya.

Contrasting di ba? Ganun talaga. Kaya dapat malawak na pang-unawa ang kailangan mo.

Sinasabi sa myoclinic.com na ang suicidal tendencies ay maraming dahilan. Pressure, stress, depression, broken-heart etc. kaya naman dapat hindi ito dinadaan sa biro. Minsan kasi sa dami ng problema, hindi na natin naiinternalize ang mga nangyayari sa atin kaya ang ending, imbes na naayos ang problema, lalong lumalala. Actually, hindi lang naman sa relationship ang nagiging dahilan ng suicide pero, isa iyon sa mga maraming dahilan kung bakit may mga taong mas pinipiling mawala nalang

Mahirap makipag deal sa ganitong sitwasyon lalo na't konsensya mo ang babagabag sa'yo tuwing gabi. Pero siguro ang pinaka magandang paraan lang naman na magagawa mo ay ipakita sa kanya kung gaano kasarap mabuhay kahit na wala ka na at maraming mga bagay at tao ang makakapagpasaya sa kanya.

Turuan mo siyang ma-appreciate ang mga bagay na hindi niya napapansin noon. At sabihin mong relasyon niyo lang naman ang nagtapos pero hindi ang ugnayan ninyo bilang mga tao.

1 komento: