Standards. Requirements. Demands.
Lakas makabuhay eskuwela ano? Parang ang dami-dami mo nang ginawa, ginastos at sinakripisyo para lang mapunan ang mga blanko pero wala pa rin.
Yung tipong tinatanong mo na ang sarili mo kung ano ba ang kulang, ano ba ang problema, ikaw ba ang may problema, o siya ang may problema, o baka naman IKAW mismo ang problema niya?
Darating pa sa puntong gusto mo nang manumbat... pero hindi naman pwede kasi alam mo sa sarili mo na ito ang gusto mo-ang maghirap. Bakit nga naman ba kasi may mga taong kahit na ialay mo ang buong kalawakan sa kanya, tila hindi pa rin naman ito yung tunay na magpapasaya sa kanya.
Para sa akin, sign lang iyon ng pagiging tao niya. Tao siya, kaya't maghahanap at maghahanap talaga siya ng mga bagay na ikaliligaya niya. Kung baga, kahit na latagan mo siya ng sandamukal na tag-iisang libong pera kung hindi naman salapi ang hinahanap niyang magpapasaya sa kanya niya, hindi mo talaga siya mapapaligaya. Tao siya. Tao siya sa lagay na iyan.
At ikaw naman na nagbibigay ng mga bagay na hindi naman niya hinihingi, o nagbibigay ng sobra sa kung ano man ang hinihingi niya sa'yo, senyales lang din yan na isa kang tao. Tao na marunong magpahalaga. Kahit na may mga eksenang nasasayang lang ang mga pinagpaguran mo, napupunta sa wala yung perang inipon mo sa loob ng tatlong taon, o kaya hindi naman napapansin lahat ng mga pagbabagong ginagawa mo para sa kanya... pinipilit mo pa rin na maibigay ang langit at lupa sa taong tinatapon lang lahat ng mga iyon... sa taong halos ang kulang nalang ay itapon ka. IKAW MISMO, bilang isang tao.
Andiyan ka pa rin, kasi nga pinahahalagahan mo siya. Sa loob mo'y ninanais mong balang araw pahahalagahan ka rin niya sa parehong paraan kung paano mo siya pahalagahan. Pero bakit parang ang dami pa ring puwang? Tanungin mo ang sarili mo. Nanunuyo ka bang talaga o nanunuhol ka na? Sigurado ka bang nagpapakita ka lang ng pagmamahal o pagpapahalaga, o pinagsisiksikan mo na ang sarili mo sa taong naglagay na ng hangganan kung hanggang saan ka lang?
Mabuti nang malinaw sa iyong sarili na may hangganan din ang lahat. Nang sa gayon, maipakita o maiparamdam mo rin naman sa kanya na may hangganan rin mga bagay na iniaalay mo sa kanya.
Okay lang naman magbigay ng magbigay basta't bukal ito sa puso mo... hindi yung pagdating ng araw ay isusumbat mo ito sa kanya dahil wala kang napala. Pangalawa, okay lang naman magbigay basta't may resources ka. Kung puro regalo ang gusto niyang ibigay mo sa kaniya, SIGE LANG! Basta may pangbili ka ng regalo. Hindi yung mangiistorbo ka pa ng ibang tao para masunod lang ang hinihingi sa'yo. At higit sa lahat ay tatandaan mong kapag magbibigay ka, wag sobra... dahil bukod sa nasasayang, baka wala nang matira para sa'yo. Kahit kailan hindi naging masama maging altruist, pero okay lang naman ding maging egoistic kung minsan.
Mahirap kasi makamit ang contentment sa buhay lalo na kung isa kang tao na maraming hinahangad. Mataas na standards, mahihirap na requirements at madaming demands. Lalo na't kung ang tingin mo sa sarili mo'y napaka taas. Parang nothing's too good for you. Kaya ang ending, maghahanap at maghahanap ka talaga ng mga bagay o tao na nababagay sa'yo. (Not necessarily sa relationship but in a general sense.)
Ganito lang yan eh. If you think that you're efforts or the things that you gave to someone, or you did for someone isn't enough eh dahil baka naman kasi talagang kulang... akala mo lang nagbibigay ka ng sapat pero in reality, hindi naman pala. O baka naman talagang wala kang halaga sa taong 'yon, kaya naman no matter how many or how hard you try to fit into that someone's life, you will never be enough. He or she will never find the satisfaction and contentment because you're not the perfect piece.
Tsaka, kung iisipin mo, kung mahalaga ka sa taong yun, IKAW lang sapat na. Palabok at disenyo nalang yang mga actions niyo sa bawat isa para mas lalong tumatag ang samahan niyo. Kaya kung marami siyang hinihingi o nirerequire na gawin mo, mag-isip ka muna bago ka gumawa ng aksyon.
Kung gusto mong ibigay ang lahat sa isang tao, siguro i-assure mo naman sa sarili mo na tatanggapin niya ito at hindi ipangsasampal sa mukha pag hindi niya tinanggap. Maawa ka sa sarili mo. Hindi ka supplier ng basura. Matuto kang tumingin at pag-aralan ang isang tao kung deserving ba siya sa mga bagay na iaalay mo.
Huwag ura-uradang nagsasakripisyo. Sa panahon kasi natin ngayon, hindi mo alam kung may patutunguhan ba ang mga sakripisyon iyon. Kaya dapat maingat ka. Pero kung ayan talaga ang napili mong gawi sa pang-araw-araw na basehan- ang maging donor ng kung ano-ano kahit kulang, o wala namang halaga ang mga yan para sa pagbibigyan mo... Bahala ka. Ang gusto ko lang naman ay mamulat ang mga mata mo sa katotohanang may ibang tao na mas nakikita ang tunay na halaga mo kesa dun sa taong binabasura ka lang naman.
Lagi mong tatandaan na, "It's better to give than to receive." Alam ko namang alam mo na iyan, pero di ba mas masarap sa pakiramdam na makikita mo yung pinagbigyan mo eh abot tenga ang ngiti sa sobrang saya at abot-langit ang pasasalamat kasi dumating ka sa buhay niya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento