Martes, Oktubre 22, 2013

BITTERSWEET. SWEET and BITTER

Masarap magmahal di ba?

Masarap naman talagang magmahal hindi ba? Hindi naman sa nagpapaka hopeless romantic ako, pero masarap magmahal dahil sa masarap magmahal. Iyon na iyon at wala nang iba pang dahilan kung bakit masarap magmahal. Magulo ba? Ayos lang yan, magulo rin naman kasi talaga magmahal. Masarap na magulo.

Masarap magmahal. Ilang beses ko nang nabanggit. Masarap lalo na't pag minamahal ka ng taong mahal mo. Bata palang tayo ay nakararamdam na tayo ng pagmamahal. Kahit nga sa sinapupunan ka pa nga lang eh. Kahit ultimo nung nasa prosesong ginagawa ka palang. Nag-uumapaw ang pagmamahal sa mga oras na iyon, na kahit hindi ka pa nabubuo, may pagmamahal na agad na nakadikit sa'yo at sa buo mong pagkatao. Hindi mo man maramdaman minsan, pero anjan yan.

Pero hindi naman iyon ang gusto kong pagdiinan. Bakit maraming 'bitter' sa mundo, gayong alam naman nating may mga nagmamahal sa atin? (Magtataglish nalang ako hindi naman ako linggwista eh) Well, lahat naman tayo nakakaranas ng bitterness. Bitterness sa grades, sa buhay, sa karelasyon at sa kung ano-ano pa. Bitterness. Pait. Ampalaya.

Sa palagay ko, hindi naman talaga ginugusto ng tao na maging bitter sa kung ano mang bagay o tao na minsang nagpasaya sa kanila, na ngayon ay dahilan kung bakit sila nagdurusa. Siguro, yun lang ang tanging paraan para makalimot. Pait lang naman kasi ang makakapag neutralize ng tamis bukod sa alat at anghang.

Masarap na kombinasyon ang pait at tamis. Personally, I enjoy drinking black coffee as long as it's sweet. I don't care if it's not creamy, but as long as it's sweet. I don't mind it at all. Para din yang dark chocolate, hindi nakakaumay, because bitterness incorporates well with the sweetness. Sa unang kagat malalasahan mo ang tamis na para bang gusto mong maumay nalang, but before you swallow it, there goes the bitter part in which the blast of flavors happen inside your mouth. Kung ang dila ay isang reproductive organ, it probably had its orgasm. (Para sa akin ah, bilang fan ako ng dark chocolates)

Parang sa buhay natin, o sabihin na nating sa isang relasyon. Matamis, masarap nga magmahal di ba? Perpekto ang lahat. Blue skies and sunshines. Smiles, laughters and colorful memories. Pero pag wala na yung pagmamahal which is the main reason why all those things happened to your world o may nangyaring nag-alis ng lahat ng magagandang bagay na pinagsasaluhan niyo-wala na. Pait, galit, sakit at luha nalang ang matitira. Aabot pa sa puntong ultimo sa sarili mo, naaawa ka. Self-pity. 

Bakit kailangan maging bitter? Hindi ko alam ang tunay na sagot, hindi naman ako nagreresearch sa kung ano ang naiisip kong isulat. I just think things over.

Pero eto ang dahilan ko kung bakit ako bitter, este, bakit nabibitter ang isang tao. Darating kasi sa punto na gusto mong burahin ang lahat ng matatamis na ala-alang iyon. Sabi nga nila di ba, yung matatamis na yan nakakadiabetes, tapos ikaw, naghihilom ka-syempre, may sugat... nahihirapan ka ngayong maghilom ng mga sugat mo. Kung baga sa damdamin natin bilang mga tao, yan kasing matatamis na ala-alang yan, nagiging bangungot kapag nawala na yung pagmamahal (like what I've mentioned earlier). Kaya ayan ka... BITTER-dinaramdam mo ang sakit na ibingay ng sobrang tamis na pagsasama sa iyo na sa parehong paraan, nilalabanan mo, winawaksi mo.

Kung mapapansin mo, matapos mong magmahal, puro negatibo na lang ang makikita mo sa taong yun, lalo na't pag desperado ka nang magmove on. Sabi nila, "love is blind". Perfect para sa'yo ang taong mahal mo. You will never see his/her imperfections, because for you, he or she is perfectly imperfect. ACCEPTANCE. 'Yun ang tawag dun.

Pero at some point, lalo na't pag wala ka nang choice kundi ang mag move on nalang, lahat ng negatibong bagay o katangian sa taong mahal mo na hindi mo pinapansin o tinanggap mo nalang noon, pinapansin, nakikita at inuungkat mo na ngayon.

Halimbawa: Ngayon, nasasabi mo nang may body odor siya sa tuwing magkayakap kayo. O kaya may halitosis siya kaya bihira lang kayo maghalikan noon o kaya tinitiis mo nalang. Oh, inuungkat mo lahat ng mga bagay o dahilan ng mga pinag-awayan niyo noon.

Bakit ganoon? Para magalit ka sa kanya. Kasi, tinuturuan mo ang sarili mo na magsisi na hanggang ngayon minamahal mo pa siya o magdalawang isip pa na umasang may babalikan ka pa. Ginagamit mo yung mga kapintasang iyon para itigil na ng isip at puso mo na mahalin ang taong iyon. Dahil 'yun lang naman ang tanging paraan para makabuo ng isang bagay na maari mong ihampas sa sarili mo nang mabagok ang ulo mo at bumalik ka sa katinuan. Para masabi mo sa sarili mo na kaya mo pa rin namang mabuhay ng may tamis at ligaya kahit wala siya.

Love is blind? That's not true. Kakatayin ko ang mag-push nyang Love is Blind na yan! Love is not blind. It sees. But it does not mind. *Ang baduy ko mag english.* Pero yun ang totoo.

Bakit kailangang maging bitter? Ito ang pinakasimple kong sagot:

Kailangan mong maging bitter kasi dumaan ka sa punto ng buhay mo na wala kang ibang nalalasahan o nararanasan kundi tamis o sobrang tamis lang. Kailangan mo ng pait para ma-appreciate mo ulit yung mga simpleng bagay na nagbibigay pala sa iyo ng tamis noon pa, pero hindi mo na nalasahan kasi sugarcoated ka na masyado.

Tama naman di ba? Nung nagkarelasyon ka, naalala mo pa ba ang mga kaibigan mo? Ang nanay mo? Ang pamilya mo? Sa palagay ko, hindi na masyado. Kasi akala mo araw yang karelasyon mo. Sa kanya nalang umiikot ang mundo. Pero, mali ka! Kaya nung nagbreak kayo, hirap ka mag move on! Bakit? Kasi nakalimutan mong may mga taong nagmamahal sa'yo nung nawala yung taong minamahal mo. Ayan ang gusto kong ipunto. Naiintindihan mo ba ako?

Parang sa hapag-kainan lang yan. Umiinom ka ng orange juice na sakto lang ang lasa pero kumain ka ng panghimagas na yema, kaya naman nung pag-inom mo uli ng juice, parang pakiramdam mo wala nang lasa, pero ang totoo-MERON. Kaya anong gagawin mo? Iinom ka ng tubig o kakain ka ng ibang pagkain na mag-aalis ng tamis sa iyong dila. Parang ganun lang ang buhay, hindi lang sa buhay pag-ibig ah, sa lahat ng aspekto ng buhay, ganyan ang nangyayari. Hindi ka naman makaka move on kung ayun at ayun lang ang nararamdaman mo. Ang pagmamahal naman ay hindi katulad ng phobia na through exposure eh mawawala.

Ay mali, hindi naman pala nawawala ang pagmamahal. Nagbabago lang ito ng lebel.

Di ba masarap magmahal?

Masarap naman talaga. Magulo nga lang din talaga. Masakit rin kung minsan. Pero, kung talagang nagmamahal ka ng tapat at totoo, at matutuo kang mahalin yung mga maliit na bagay na nagpapaligay sa'yo, siguro hindi mo naman na mararanasan ang pait at sakit at hindi mo na kailangang dumaan sa misrableng punto ng ating pagiging isang tao. Kasama talaga yan sa buhay, kaya dapat lagi tayong handa sa mga lasa na ipapalasap nito sa atin.

Boring kasi pag puro tamis at pait lang. Nakakasawa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento