Dahil sa wala akong masulat, sinubukan kong magtanong sa aking mga kaibigan kung ano ang magandang isulat o sa kung ano ang gusto nilang mabasa. Sa dami ba naman ng tinanong ko, isa lang ang sumagot. At ang pamagat ng artikulong ito ang tinanong niya. Sana nga nama'y masagot ko ang kanyang mga katanungan.
Teka lang. Choosy nga ba saan? Choosy sa pagkain? Choosy sa damit? Choosy sa environment? Yang mga nabanggit ay natural na yan sa pagkatao ng isang babae. Hindi ka babae kung hindi ka 'maarte'. (Pasintabi sa mga babaeng makakabasa nito... kung may babasa nga ba talaga nito) Pagiging choosy sa anong bagay nga ba ang tinutukoy ko? Isa lang naman sa lahat ng kaartehan ng babae ang maituturing na hindi 'gaanong' natural... (Ayan ho, HINDI GAANO) at yan ang pagiging choosy sa lalaki.
Hindi ko naman sinasabing huwag kayong mamili sa mga lalaking makakarelasyon niyo, pero huwag naman din kayong OA at nawa'y kayo ay maging makatotohanan sa inyong mga sarili. Pero ito nga ang ilan sa mga dahilan kung bakit kayo choosy.
PAALALA: Hindi ako nagresearch *as usual* ng mga dahilan. Napag-isip-isp ko lang na naman ito. Kaya wala ring tiyak na bilang ng dahilan kung bakit choosy ang mga babae.
1. FAIRY TALES
Isa ito sa mga dahilan kung bakit karamihan ng mga babae ay napaka mapili sa lalaki. Ito rin ang pinupunto ko nungg sabihin kong sana'y maging makatotohanan sila. Bata pa lang tayo, fairy tales na ang isa sa mga pinakunang love story na ating nababasa o naririnig, dahil sa tayo'y mga bata, hindi naman sinabi sa mga fairy tales na yun na sa isang relasyon, aabot sa puntong isusumpa niyo rin ang isa't isa, sa fairy tales, lahat maganda, masaya. Child-friendly. Kaya naman hanggang sa paglaki ay dala-dala natin ang pagiging hopeless romantic natin pati na rin yung expectation na perpekto ang matatamasa nating relasyon.
Fairy tales ang nagpauso ng TRUE LOVE. Kaya naman halos lahat ng babae naghihintay ng TRUE LOVE. Tama naman 'yun, maghintay nalang ng true love kaysa naman dumaan sa napakaraming masasakit na relasyon. Pero ano ang mali? Fairy tales din kasi ang nagpakilala kay PRINCE CHARMING. Wala namang masama dun di ba? Pero ang mali talaga eh yung paghihintay sa LITERAL NA PRINCE CHARMING. Jusme! Utang na loob naman, kailan ka pa makakahanap ng buhay na cartoons o drawing? Naiintindihan mo ba ako? Walang perpektong tao at wala rin namang makapagbibigay sa'yo ng perpektong love story at lalong lalo na ang happy ending.
Happy Ending, isa sa pinakasikat na pauso ni Fairy Tale. Gusto mo ng happy ending? Try mo magpalibing. Happy ending yun. Ano po ba ang pagkakaintindi niyo sa salitang 'ending'? Alam mo, ang tunay na masayang relasyon ay walang katapusan, kahit kailan hindi titigil ang pagmamahalan niyo. So kung darating sa puntong HAPPY ENDING, may ending na! Ang tanong HAPPY ka ba talaga na nag-end yun? Di ba't hindi?
Okay lang naman maging fan ng fairy tales o ng kahit na ano pang fictional na love story. Ang masama nga lang ay doon ka rin nagbabase ng sarili mong love story (Hal. Paghahanap ng Boyfriend na Bampira o kaya Boyfriend na Zombie) hindi ka nga nagplagiarize, wala ka namang originality. At lagi mong tatadaan na lahat ng love story ay may Happy Ending, alangan naman kasing ikwento pa ng may-akda lahat lahat ng pangyayari? Boring na yun.
2. TRUE LOVE
Nabanggit ko to kanina, naghihintay ng true love. Tama naman talaga di ba? Kaya ka choosy kasi hinihintay mo ang iyong true love. How sweet. May mga punto sa buhay ng iba't ibang tao na kahit hindi nila hinahanap ang TL nila, kusa nalang dumarating. Kumbaga, unang subok palang swak kaagad! May iba naman na hindi naman 'sila' pero alam na nilang para talaga sila sa isa't isa. Parang si Aga at Charlene, hindi naman talaga sila naging mag boyfriend pero masaya sila sa piling ng isa't isa ngayon.
Pero, ang mali naman kasi ng mga kababaihan eh porket nangyari sa iba, o sa nanay nila, eh akala nila ay mangyayari rin sa kanila. Gusto nila, one take lang. Ang pakikipag relasyon kung minsan ay trial and error din. Kailangan mong magkamali para matuto ka. Hindi ko naman sinasabi na LAHAT NG NANLIGAW SAYO SASAGUTIN mo, pero paano mo malalaman na siya pala kung hindi mo susubukan.
Yung iba tumatandang dalaga dahil pinalalagpas nila ang pagkakataon. Dahil minsan, OA na sila sa pagkachoosy. Paano kung yung manliligaw mo na hindi mo pinansin at pinagtulakan mo nalang sa iba ay siya pala ang para sayo? Paano ka na?
Lagi mo lang tatandaan na hindi ka mahahanap ng true love mo kung ayaw mo magpahanap o kaya naman, siya lang ang naghahanap sa'yo. Syempre, hahanapin mo rin siya. Maghanapan kayo. At higit sa lahat, bibitawan mo rin minsan ang kaartehan mo. Malay mo kakahugas mo ng kamay eh yung mikrobyo palang inalis mo ang magpapaligaya sa'yo.
3. COMPATIBILITY
Isa ito sa mga isinasaalang-alang ng mga babae sa pakikipag relasyon. COMPATIBILITY. Parehas ba kayo ng gusto, ayaw, hilig at kung ano-ano pa. Ano ang dahilan nila kung bakit sila compatible? Para wala kayong pagaawayan kung saka-sakali dahil naiintindihan at nasasakyan niyo kung ano man ang trip ng bawat isa. Kaya kung hindi compatible ang zodiac signs niyo, manigas ka nalang,
Maganda naman ang dahilan nila hindi ba? Pero sa palagay ko, kahit hindi naman totally compatible o kahit pa contrasting kayo sa isa't isa ay makukuha niyo pa ring maging masaya. Dahil pupunan niyo yung mga pagkukulang ng bawat isa sa inyo. Sa ganoong paraan, mas lalawak ang pang-unawa niyo at sa parehong paraan, baka mamulat ka pa sa bagong mundo na hindi mo pa nararanasan... dahil nga ang gusto mo sa isang lalaki ay naninirahan din sa mundong ginagalawan mo. New environment. Gets mo ba?
May nabasa pa ako sa PM (Pang-Masa) yung tabloid na mas nagiging strong ang relasyon kapag natuto kang mag-adjust para sa partner mo kesa yung sa parehong pareho kayo ng ginagawa. Bakit? Kasi pag pareho kayo ng environment, it may end up into competing with one another. Sino ang mas magaling? Sino ang ganito ganyan? Unlike yung sa magkaibang environment kayo, doon mo napapatunayan na mahal ka ng isang tao. Kasi he adjusted for you, or you adjusted for him. You respected and accepted each other's differences and flaws. Mas masarap magmahal ng ganon di ba?
4. FRIENDSHIP
Para sa mga na-friendzone. Hindi naman ako against sa reasonna to at hindi ko rin naman ito gusto.
Kesyo, sa friendship mas tatagal ang samahan niyo o kaya naman kaibigan lang talaga ang tingin niya sa iyo. Actually parehas lang ang ibig sabihin niyan, mas pinaganda nga lang yung nauna.
Tama naman yung mga sinasabi nila, pero ang kinaiinis ako, sinasabi nila yan kasi hindi nila masabi yung tunay na dahilan kung bakit hindi pwedeng maging kayo. FRIENDSHIP ang dinadahilan nila? Anong meron sa friendship niyong dalawa na sumasalamin sa'yo para at iyan ang dinadahilan mo kung bakit hindi pwede maging kayo?
Dahil sa mga statement na iyon aasa ka pa rin. Hindi ko alam kung bakit pero pag ang lalaki nasabihan ng isang babae ng ganyan, hindi pa rin naman siya hihinto eh. It's either he will love the girl secretly or he will still continue.
Idagdag mo pa yung, "Ayokong macomrpomise yung friendship natin."
Pesteng friendship 'yan! So kahit na mahal mo ako at mahal kita, hindi pwede mapursue ang pagmamahalan natin dahil kay friendship? Sasabihin pa nila, "Eh kasi pag nagbreak tayo magkakailangan tayo."
Yung totoo? Wala pa ngang "TAYO" looking forward ka na agad sa "BREAK UP" natin?
5. STUDIES FIRST
Kapag yan ang sinabi ng isang babae, please tumigil ka na sa pangungulit. Pero hindi ko rin naman sinabing itigil mo na ang pagmamahal mo sa kanya. Dahil, kung mahal mo naman siya, matitiis mong makapaghintay hanggang sa grumaduate siya. Respetuhin mo ang kanyang desisyon kung talagang totoo ang nararamdaman mo sa kanya.
Pero kung yung babaeng nagsabi sa'yo na pag-aaral muna ang priority niya pero hindi naman talaga siya nag-aaral o nag-aaral ng mabuti. Utang na loob, wag kang tanga! Hindi ka niya gusto.
6. SIGURISTA
Eto yung mga pakipot sa una pero nagpapapilit lang pala. Sila yung mga babaeng gusto muna nila ng assurance na mamahalin mo pa rin sila kahit pinakita na nila lahat ng sungay na meron sila. Kaya naman ang gagawin nila hindi ka papansinin, paghihintayin ka at pagtatabuyan ka.
Sila yung mga babae na ang motto ay "All good things to those who wait".
Sila yung mga aawayin ka muna, itataboy ka o kaya naman babastedin ka sa umpisa. Sa ganoong paraan kasi nila makikita kung seryoso ka ba sa kanila o hindi. Kung talaga bang mahal mo siya. Who will stay, who will go? Ganyan sila. Kaya naman pag may nagtaboy sa'yo, wag ka naman titigil agad-agad. Ipakita mo na deserving ka sa matamis niyang oo.
7. STANDARDS
Gwapo ka ba? Matangkad? Mabait? Maputi? May abs? Matalino? eh Mayaman?
May mahabang checklist ang mga babae. Kung hindi ka pasok sa mga standards nila, bahala ka sa buhay mo. Maling mali di ba? Isa rin ako sa mga naapektuhan ng mga pesteng standards na yan eh.
Hindi ba't Love is Unconditional? Bakit ang dami nilang basehan para magmahal ng isang tao?
Kasalanan ito ng media at ni Prince Charming. Kung hindi dahil sa kanila hindi naman magseset ng standards ang mga babae. Sa lahat, ito ang mali! Iisa lang naman kasi dapat ang requirement sa isang lalaki eh... at yan yung, "Kung mamahalin ba ako habang buhay?"
Sa kasamaang palad, kailangan talaga nating pagtiisan ang mga checklist ng mga babae. Pero sana, tatandaan nila ito:
"You will fall in love whether your standards are met or not."
Ayan ang pito sa mga libo libong dahilan kung bakit CHOOSY ang mga BABAE sa lalaki. Bahala na kayo umisip sa iba pa. Pero yang pagiging mapili na yan, karapatan din naman nila yan, kaya't kung hindi talaga tayo ang mahal ng babaeng iniirog natin... respetuhin natin ito dahil sa bandang huli sila pa rin naman ang masusunod sa kung ano ang dinidikta ng kanilang puso. Basta... WAG LANG OVER SA PAGKA CHOOSY!
:)