Huwebes, Disyembre 26, 2013

My Cellphone Cameras to the rescue!!!

It's not everyday I get to bring my Camera, because of long travelling hours and the uncertainty of my safety. So everytime I see something that takes my breath away, and unfortunately, all I can do is make my cellphone work beyond it's capacity.

I am not a PRO photographer. I am just a student that really loves to take pictures and practice the things I learned in our photography class. Some pictures may be pixelated because my phone's camera is 3.2MP only, and my android phone's camera is set to 6-8MP. (I am adjusting.)

I am not saying that these shots are beautiful. It's the view itself which I find so breath-taking. I just banked on what I have and make it work. Still, I am hoping that I can produce great photos using my phones even if I am not that skilled and I lack on equipment. As they say, camera is just a tool, and the efficiency of this tool depends on its user.

So I am open for criticisms and suggestions because that would really help me on my improvement no matter how hard it may seem.
Took this photo at some posts at Gateway, near the Cinemas and TimeZone.
NOKIA C2 (3.2MP)

Gateway. The geometry really amazed me.
NOKIA C2 (3.2MP)

PUP TANGLAW RUN. The combination of the building and the grass with the white stuff I don't know what they call it, but this is something that you rarely see when you're at the city.
Lenovo P780 (6MP)

DISPURSE! People dispursing after the run. It's a good feeling to see how a crowded place slowly returning to it's usual state.
Lenovo P780 (6MP)

Natural Filters. Honestly. I didn't put any filters in this photp. The perfect combination of Pink and Blue. Sun starts to rise! This also shows how crowded the place was before we started to run.
Lenovo P780 (6MP)

The new Gasoline Station in our town. Sorry for the grains, I am on a moving bus while I took that photo.
NOKIA C2 (3.2MP)





This photo makes me really happy. That's it.
Lenovo P780 (8MP)

UP AYALAND TECHNOHUB. This is the first time that I was able to enter TechnoHub. I need a remembrance.
Lenovo P780 (8MP)

Silhouette. I'm so proud of my phone! I didn't know it was able to produce such kind of picture.
Lenovo P780 (6MP) 
Yeah, you're right. Starbucks. Want a coffee?
Lenovo P780 (8MP)

UP. The alignment of the trees is just perfect.
Lenovo P780 (8MP)



it's raining and if you have no umbrella, WAITING SHED to the rescue! yes, I'm at the bus.
NOKIA C2 (3.2MP)

While I'm at the bus, it felt like I'm witnessing a sunset at Africa.
NOKIA C2 (3.2MP)







Huwebes, Oktubre 31, 2013

SInister

Sinister.

One of the best horror films that I've ever watched. Directed by Scott Derrickson and starred by Ethan Hawke.

This film will make us realize that Family should be our priority especially when we talk about our safety. It's the most important to consider other than considering how much will you earn or how beautiful the place is. And listening to your loved ones on matters that bothers them won't hurt your wallet.

This movie really intrigued me because Ellison Oswalt (Hawke) is a writer. (Now you know why.) Well, he writes stories about unsolved crimes, mysterious cases and the likes. Because of his desire to give his family a brighter and much better life, since his previous books (I guess) isn't a hit like unlike his book Kentucky Blood... he decided to move into another house with his family to start his new book. This time, he's very enthusiastic that he'll hit it big time!

I'm trying not to spoil the excitement especially for those people who's still looking forward on watching this movie. But there's a part where police officers particularly the Sheriff tried to warn Oswalt to leave the house and never go back. But of course, the famous writer decided to stay.

And problems started to take over him by the time he found the box containing a Super 8 films with several videos and watched it.


Well, you know what? I guess you better watch it. Because you know, I, remembering those spine-tingling scenes makes me feel that Mr. Boogie is around watching me. There! There's your hint. 


Martes, Oktubre 29, 2013

Ikaw ang buhay ko

Dying for the one you love.

Napaka selfless. Napakasarap pakinggan, pero syempre pag nandun na sa puntong iyon, ayaw mo rin namang ikaw ang maging dahilan ng pagkawala ng tanong nagmamahal sa'yo. Tama na siguro yung alam mong handa siyang ibigay lahat. Hindi mo na kailangang literal na mapatunayan 'yon sa sarili mo dahil sa mga kilos palang niya sapat na at makuntento ka na doon.

Pero ibang istorya naman yung nagpapakamatay o nagtatangkang magapakamatay dahil sa pag-ibig.

Well, hati ang opinyon ng tao diyan... dahil sasabihin ng mga romantiko, wagas lang talagang magmahal ang isang tao kaya niya naiisipan ito. Para bang mas okay nang mamamatay kaysa sa mabuhay siya ng hindi hindi niya kasama ang taong minamahal niya. Pangalawa, may ilang magsasabi na marami pang ibang babae o lalaki sa mundo at hindi niya dapat sayangin ang buhay niya para sa iisang tao lamang. Pangatlo, sasabihin ng mga nagmamatalino, baka may sira ang ulo. Pang-apat, naduduwag.

Sino nga naman ba tayo para manghusga? Ewan ko. Sa apat na iyan sumasang-ayon naman ako... na pwedeng baka ayun nga ang dahilan, pero hindi buong-buo. Dahil naman alam ko, na ang mga yan ay biglaang konklusyon lamang. Enthymeme ata ang tawag dun base sa napag-aralan ko sa Retorika. Pagbibigay ng kongklusyon base sa kung anong impormasyon ang nakita nila. Hindi na nasundan ng pag-aaral pa o paghahanap pa ng ibang detalye.

Una, wagas na pagmamahal? Eto yung puntong sinasabi natin na "Ikaw ang buhay ko". Sweet pakinggan... hanggang dumating nalang sa puntong nasasakal na ang taong minamahal natin kasi sinasabi natin na ikamamatay natin ang pagkawala niya. Out of guilt and fear na baka nga mamatay o magpakamatay ka... syempre hindi ka niya iiwan. Pero darating sa puntong awa nalang at walang nang pagmamahal ang nararamdaman sa'yo ng partner mo. At iyon ang mahirap. Lalong nagkakagulo... gumugulo ang sitwasyon.

Pangalawa, sana iniisip mo na marami pang tao sa mundo at hindi naman worth it ang pagpapakamatay mo para lang sa taong nakatakda lang na dumaan lang talaga sa buhay mo. Pero kung tutuusin, kung talaga ngang wagas kang magmahal, yun at yun lang talaga ang maiisip mong paraan. Para bang ang sarap sabihan nung mga taong nagsasabi na, 'marami pang iba jan!' ng, 'Palibhasa kasi hindi niyo naman nararamdaman ko!'

Ano nga naman ba kasi ang alam nila? Although, nakikiramay sila pero pinagmumukha kang tanga in the same way. OO! Alam namin na marami pang iba jan, pero wala naman nang ibang "SIYA" eh! Siya lang talaga.

Sasabihin pa nilang "There's a ton of Fish in the Ocean!" eh di sila kaya mag-asawa ng isda. Pero seriously, wala silang karapatang manghusga ng taong nagmamahal lang naman ng wagas.

Pangatlo, sira ang ulo. Baka nga. Kaya dapat hindi sila husgahan. Dapat iniintindi pero hindi tinotolerate.

Pang-apat, naduduwag. OO. naduduwag. Naduduwag silang harapin ang bukas ng mag-isa. Lahat naman tayo takot mag-isa. Kaya dapat iparamdam natin sa kanila na hindi sila nag-iisa pagdating ng bukas kahit na wala na sila ng taong mahal niya.

Contrasting di ba? Ganun talaga. Kaya dapat malawak na pang-unawa ang kailangan mo.

Sinasabi sa myoclinic.com na ang suicidal tendencies ay maraming dahilan. Pressure, stress, depression, broken-heart etc. kaya naman dapat hindi ito dinadaan sa biro. Minsan kasi sa dami ng problema, hindi na natin naiinternalize ang mga nangyayari sa atin kaya ang ending, imbes na naayos ang problema, lalong lumalala. Actually, hindi lang naman sa relationship ang nagiging dahilan ng suicide pero, isa iyon sa mga maraming dahilan kung bakit may mga taong mas pinipiling mawala nalang

Mahirap makipag deal sa ganitong sitwasyon lalo na't konsensya mo ang babagabag sa'yo tuwing gabi. Pero siguro ang pinaka magandang paraan lang naman na magagawa mo ay ipakita sa kanya kung gaano kasarap mabuhay kahit na wala ka na at maraming mga bagay at tao ang makakapagpasaya sa kanya.

Turuan mo siyang ma-appreciate ang mga bagay na hindi niya napapansin noon. At sabihin mong relasyon niyo lang naman ang nagtapos pero hindi ang ugnayan ninyo bilang mga tao.

Sabado, Oktubre 26, 2013

Bakit Laging Kulang?

Standards. Requirements. Demands.

Lakas makabuhay eskuwela ano? Parang ang dami-dami mo nang ginawa, ginastos at sinakripisyo para lang mapunan ang mga blanko pero wala pa rin.

Yung tipong tinatanong mo na ang sarili mo kung ano ba ang kulang, ano ba ang problema, ikaw ba ang may problema, o siya ang may problema, o baka naman IKAW mismo ang problema niya?

Darating pa sa puntong gusto mo nang manumbat... pero hindi naman pwede kasi alam mo sa sarili mo na ito ang gusto mo-ang maghirap. Bakit nga naman ba kasi may mga taong kahit na ialay mo ang buong kalawakan sa kanya, tila hindi pa rin naman ito yung tunay na magpapasaya sa kanya.

Para sa akin, sign lang iyon ng pagiging tao niya. Tao siya, kaya't maghahanap at maghahanap talaga siya ng mga bagay na ikaliligaya niya. Kung baga, kahit na latagan mo siya ng sandamukal na tag-iisang libong pera kung hindi naman salapi ang hinahanap niyang magpapasaya sa kanya niya, hindi mo talaga siya mapapaligaya. Tao siya. Tao siya sa lagay na iyan.

At ikaw naman na nagbibigay ng mga bagay na hindi naman niya hinihingi, o nagbibigay ng sobra sa kung ano man ang hinihingi niya sa'yo, senyales lang din yan na isa kang tao. Tao na marunong magpahalaga. Kahit na may mga eksenang nasasayang lang ang mga pinagpaguran mo, napupunta sa wala yung perang inipon mo sa loob ng tatlong taon, o kaya hindi naman napapansin lahat ng mga pagbabagong ginagawa mo para sa kanya...  pinipilit mo pa rin na maibigay ang langit at lupa sa taong tinatapon lang lahat ng mga iyon... sa taong halos ang kulang nalang ay itapon ka. IKAW MISMO, bilang isang tao.

Andiyan ka pa rin, kasi nga pinahahalagahan mo siya. Sa loob mo'y ninanais mong balang araw pahahalagahan ka rin niya sa parehong paraan kung paano mo siya pahalagahan. Pero bakit parang ang dami pa ring puwang? Tanungin mo ang sarili mo. Nanunuyo ka bang talaga o nanunuhol ka na? Sigurado ka bang nagpapakita ka lang ng pagmamahal o pagpapahalaga, o pinagsisiksikan mo na ang sarili mo sa taong naglagay na ng hangganan kung hanggang saan ka lang?

Mabuti nang malinaw sa iyong sarili na may hangganan din ang lahat. Nang sa gayon, maipakita o maiparamdam mo rin naman sa kanya na may hangganan rin mga bagay na iniaalay mo sa kanya. 

Okay lang naman magbigay ng magbigay basta't bukal ito sa puso mo... hindi yung pagdating ng araw ay isusumbat mo ito sa kanya dahil wala kang napala. Pangalawa, okay lang naman magbigay basta't may resources ka. Kung puro regalo ang gusto niyang ibigay mo sa kaniya, SIGE LANG! Basta may pangbili ka ng regalo. Hindi yung mangiistorbo ka pa ng ibang tao para masunod lang ang hinihingi sa'yo. At higit sa lahat ay tatandaan mong kapag magbibigay ka, wag sobra... dahil bukod sa nasasayang, baka wala nang matira para sa'yo. Kahit kailan hindi naging masama maging altruist, pero okay lang naman ding maging egoistic kung minsan.

Mahirap kasi makamit ang contentment sa buhay lalo na kung isa kang tao na maraming hinahangad. Mataas na standards, mahihirap na requirements at madaming demands. Lalo na't kung ang tingin mo sa sarili mo'y napaka taas. Parang nothing's too good for you. Kaya ang ending, maghahanap at maghahanap ka talaga ng mga bagay o tao na nababagay sa'yo. (Not necessarily sa relationship but in a general sense.)

Ganito lang yan eh. If you think that you're efforts or the things that you gave to someone, or you did for someone isn't enough eh dahil baka naman kasi talagang kulang... akala mo lang nagbibigay ka ng sapat pero in reality, hindi naman pala. O baka naman talagang wala kang halaga sa taong 'yon, kaya naman no matter how many or how hard you try to fit into that someone's life, you will never be enough. He or she will never find the satisfaction and contentment because you're not the perfect piece.

Tsaka, kung iisipin mo, kung mahalaga ka sa taong yun, IKAW lang sapat na. Palabok at disenyo nalang yang mga actions niyo sa bawat isa para mas lalong tumatag ang samahan niyo. Kaya kung marami siyang hinihingi o nirerequire na gawin mo, mag-isip ka muna bago ka gumawa ng aksyon.

Kung gusto mong ibigay ang lahat sa isang tao, siguro i-assure mo naman sa sarili mo na tatanggapin niya ito at hindi ipangsasampal sa mukha pag hindi niya tinanggap. Maawa ka sa sarili mo. Hindi ka supplier ng basura. Matuto kang tumingin at pag-aralan ang isang tao kung deserving ba siya sa mga bagay na iaalay mo.

Huwag ura-uradang nagsasakripisyo. Sa panahon kasi natin ngayon, hindi mo alam kung may patutunguhan ba ang mga sakripisyon iyon. Kaya dapat maingat ka. Pero kung ayan talaga ang napili mong gawi sa pang-araw-araw na basehan- ang maging donor ng kung ano-ano kahit kulang, o wala namang halaga ang mga yan para sa pagbibigyan mo... Bahala ka. Ang gusto ko lang naman ay mamulat ang mga mata mo sa katotohanang may ibang tao na mas nakikita ang tunay na halaga mo kesa dun sa taong binabasura ka lang naman.

Lagi mong tatandaan na, "It's better to give than to receive." Alam ko namang alam mo na iyan, pero di ba mas masarap sa pakiramdam na makikita mo yung pinagbigyan mo eh abot tenga ang ngiti sa sobrang saya at abot-langit ang pasasalamat kasi dumating ka sa buhay niya.

Huwebes, Oktubre 24, 2013

Bakit Choosy ang Babae?

Dahil sa wala akong masulat, sinubukan kong magtanong sa aking mga kaibigan kung ano ang magandang isulat o sa kung ano ang gusto nilang mabasa. Sa dami ba naman ng tinanong ko, isa lang ang sumagot. At ang pamagat ng artikulong ito ang tinanong niya. Sana nga nama'y masagot ko ang kanyang mga katanungan.

Teka lang. Choosy nga ba saan? Choosy sa pagkain? Choosy sa damit? Choosy sa environment? Yang mga nabanggit ay natural na yan sa pagkatao ng isang babae. Hindi ka babae kung hindi ka 'maarte'. (Pasintabi sa mga babaeng makakabasa nito... kung may babasa nga ba talaga nito) Pagiging choosy sa anong bagay nga ba ang tinutukoy ko? Isa lang naman sa lahat ng kaartehan ng babae ang maituturing na hindi 'gaanong' natural... (Ayan ho, HINDI GAANO) at yan ang pagiging choosy sa lalaki.

Hindi ko naman sinasabing huwag kayong mamili sa mga lalaking makakarelasyon niyo, pero huwag naman din kayong OA at nawa'y kayo ay maging makatotohanan sa inyong mga sarili. Pero ito nga ang ilan sa mga dahilan kung bakit kayo choosy.

PAALALA: Hindi ako nagresearch *as usual* ng mga dahilan. Napag-isip-isp ko lang na naman ito. Kaya wala ring tiyak na bilang ng dahilan kung bakit choosy ang mga babae.

1. FAIRY TALES

Isa ito sa mga dahilan kung bakit karamihan ng mga babae ay napaka mapili sa lalaki. Ito rin ang pinupunto ko nungg sabihin kong sana'y maging makatotohanan sila. Bata pa lang tayo, fairy tales na ang isa sa mga pinakunang love story na ating nababasa o naririnig, dahil sa tayo'y mga bata, hindi naman sinabi sa mga fairy tales na yun na sa isang relasyon, aabot sa puntong isusumpa niyo rin ang isa't isa, sa fairy tales, lahat maganda, masaya. Child-friendly. Kaya naman hanggang sa paglaki ay dala-dala natin ang pagiging hopeless romantic natin pati na rin yung expectation na perpekto ang matatamasa nating relasyon.

Fairy tales ang nagpauso ng TRUE LOVE. Kaya naman halos lahat ng babae naghihintay ng TRUE LOVE. Tama naman 'yun, maghintay nalang ng true love kaysa naman dumaan sa napakaraming masasakit na relasyon. Pero ano ang mali? Fairy tales din kasi ang nagpakilala kay PRINCE CHARMING. Wala namang masama dun di ba? Pero ang mali talaga eh yung paghihintay sa LITERAL NA PRINCE CHARMING. Jusme! Utang na loob naman, kailan ka pa makakahanap ng buhay na cartoons o drawing? Naiintindihan mo ba ako? Walang perpektong tao at wala rin namang makapagbibigay sa'yo ng perpektong love story at lalong lalo na ang happy ending.

Happy Ending, isa sa pinakasikat na pauso ni Fairy Tale. Gusto mo ng happy ending? Try mo magpalibing. Happy ending yun. Ano po ba ang pagkakaintindi niyo sa salitang 'ending'? Alam mo, ang tunay na masayang relasyon ay walang katapusan, kahit kailan hindi titigil ang pagmamahalan niyo. So kung darating sa puntong HAPPY ENDING, may ending na! Ang tanong HAPPY ka ba talaga na nag-end yun? Di ba't hindi?

Okay lang naman maging fan ng fairy tales o ng kahit na ano pang fictional na love story. Ang masama nga lang ay doon ka rin nagbabase ng sarili mong love story (Hal. Paghahanap ng Boyfriend na Bampira o kaya Boyfriend na Zombie) hindi ka nga nagplagiarize, wala ka namang originality. At lagi mong tatadaan na lahat ng love story ay may Happy Ending, alangan naman kasing ikwento pa ng may-akda lahat lahat ng pangyayari? Boring na yun.

2. TRUE LOVE

Nabanggit ko to kanina, naghihintay ng true love. Tama naman talaga di ba? Kaya ka choosy kasi hinihintay mo ang iyong true love. How sweet. May mga punto sa buhay ng iba't ibang tao na kahit hindi nila hinahanap ang TL nila, kusa nalang dumarating. Kumbaga, unang subok palang swak kaagad! May iba naman na hindi naman 'sila' pero alam na nilang para talaga sila sa isa't isa. Parang si Aga at Charlene, hindi naman talaga sila naging mag boyfriend pero masaya sila sa piling ng isa't isa ngayon.

Pero, ang mali naman kasi ng mga kababaihan eh porket nangyari sa iba, o sa nanay nila, eh akala nila ay mangyayari rin sa kanila. Gusto nila, one take lang. Ang pakikipag relasyon kung minsan ay trial and error din. Kailangan mong magkamali para matuto ka. Hindi ko naman sinasabi na LAHAT NG NANLIGAW SAYO SASAGUTIN mo, pero paano mo malalaman na siya pala kung hindi mo susubukan.

Yung iba tumatandang dalaga dahil pinalalagpas nila ang pagkakataon. Dahil minsan, OA na sila sa pagkachoosy. Paano kung yung manliligaw mo na hindi mo pinansin at pinagtulakan mo nalang sa iba ay siya pala ang para sayo? Paano ka na?

Lagi mo lang tatandaan na hindi ka mahahanap ng true love mo kung ayaw mo magpahanap o kaya naman, siya lang ang naghahanap sa'yo. Syempre, hahanapin mo rin siya. Maghanapan kayo. At higit sa lahat, bibitawan mo rin minsan ang kaartehan mo. Malay mo kakahugas mo ng kamay eh yung mikrobyo palang inalis mo ang magpapaligaya sa'yo.

3. COMPATIBILITY

Isa ito sa mga isinasaalang-alang ng mga babae sa pakikipag relasyon. COMPATIBILITY. Parehas ba kayo ng gusto, ayaw, hilig at kung ano-ano pa. Ano ang dahilan nila kung bakit sila compatible? Para wala kayong pagaawayan kung saka-sakali dahil naiintindihan at nasasakyan niyo kung ano man ang trip ng bawat isa. Kaya kung hindi compatible ang zodiac signs niyo, manigas ka nalang,

Maganda naman ang dahilan nila hindi ba? Pero sa palagay ko, kahit hindi naman totally compatible o kahit pa contrasting kayo sa isa't isa ay makukuha niyo pa ring maging masaya. Dahil pupunan niyo yung mga pagkukulang ng bawat isa sa inyo. Sa ganoong paraan, mas lalawak ang pang-unawa niyo at sa parehong paraan, baka mamulat ka pa sa bagong mundo na hindi mo pa nararanasan... dahil nga ang gusto mo sa isang lalaki ay naninirahan din sa mundong ginagalawan mo.  New environment. Gets mo ba?

May nabasa pa ako sa PM (Pang-Masa) yung tabloid na mas nagiging strong ang relasyon kapag natuto kang mag-adjust para sa partner mo kesa yung sa parehong pareho kayo ng ginagawa. Bakit? Kasi pag pareho kayo ng environment, it may end up into competing with one another. Sino ang mas magaling? Sino ang ganito ganyan? Unlike yung sa magkaibang environment kayo, doon mo napapatunayan na mahal ka ng isang tao. Kasi he adjusted for you, or you adjusted for him. You respected and accepted each other's differences and flaws. Mas masarap magmahal ng ganon di ba?

4. FRIENDSHIP

Para sa mga na-friendzone. Hindi naman ako against sa reasonna to at hindi ko rin naman ito gusto.

Kesyo, sa friendship mas tatagal ang samahan niyo o kaya naman kaibigan lang talaga ang tingin niya sa iyo. Actually parehas lang ang ibig sabihin niyan, mas pinaganda nga lang yung nauna.

Tama naman yung mga sinasabi nila, pero ang kinaiinis ako, sinasabi nila yan kasi hindi nila masabi yung tunay na dahilan kung bakit hindi pwedeng maging kayo. FRIENDSHIP ang dinadahilan nila? Anong meron sa friendship niyong dalawa na sumasalamin sa'yo para at iyan ang dinadahilan mo kung bakit hindi pwede maging kayo?

Dahil sa mga statement na iyon aasa ka pa rin. Hindi ko alam kung bakit pero pag ang lalaki nasabihan ng isang babae ng ganyan, hindi pa rin naman siya hihinto eh. It's either he will love the girl secretly or he will still continue.

Idagdag mo pa yung, "Ayokong macomrpomise yung friendship natin."

Pesteng friendship 'yan! So kahit na mahal mo ako at mahal kita, hindi pwede mapursue ang pagmamahalan natin dahil kay friendship? Sasabihin pa nila, "Eh kasi pag nagbreak tayo magkakailangan tayo."

Yung totoo? Wala pa ngang "TAYO" looking forward ka na agad sa "BREAK UP" natin?

5. STUDIES FIRST

Kapag yan ang sinabi ng isang babae, please tumigil ka na sa pangungulit. Pero hindi ko rin naman sinabing itigil mo na ang pagmamahal mo sa kanya. Dahil, kung mahal mo naman siya, matitiis mong makapaghintay hanggang sa grumaduate siya. Respetuhin mo ang kanyang desisyon kung talagang totoo ang nararamdaman mo sa kanya.

Pero kung yung babaeng nagsabi sa'yo na pag-aaral muna ang priority niya pero hindi naman talaga siya nag-aaral o nag-aaral ng mabuti. Utang na loob, wag kang tanga! Hindi ka niya gusto. 

6. SIGURISTA

Eto yung mga pakipot sa una pero nagpapapilit lang pala. Sila yung mga babaeng gusto muna nila ng assurance na mamahalin mo pa rin sila kahit pinakita na nila lahat ng sungay na meron sila. Kaya naman ang gagawin nila hindi ka papansinin, paghihintayin ka at pagtatabuyan ka.

Sila yung mga babae na ang motto ay "All good things to those who wait".

Sila yung mga aawayin ka muna, itataboy ka o kaya naman babastedin ka sa umpisa. Sa ganoong paraan kasi nila makikita kung seryoso ka ba sa kanila o hindi. Kung talaga bang mahal mo siya. Who will stay, who will go? Ganyan sila. Kaya naman pag may nagtaboy sa'yo, wag ka naman titigil agad-agad. Ipakita mo na deserving ka sa matamis niyang oo.

7. STANDARDS

Gwapo ka ba? Matangkad? Mabait? Maputi? May abs? Matalino? eh Mayaman?

May mahabang checklist ang mga babae. Kung hindi ka pasok sa mga standards nila, bahala ka sa buhay mo. Maling mali di ba? Isa rin ako sa mga naapektuhan ng mga pesteng standards na yan eh.

Hindi ba't Love is Unconditional? Bakit ang dami nilang basehan para magmahal ng isang tao? 

Kasalanan ito ng media at ni Prince Charming. Kung hindi dahil sa kanila hindi naman magseset ng standards ang mga babae. Sa lahat, ito ang mali! Iisa lang naman kasi dapat ang requirement sa isang lalaki eh... at yan yung, "Kung mamahalin ba ako habang buhay?"

Sa kasamaang palad, kailangan talaga nating pagtiisan ang mga checklist ng mga babae. Pero sana, tatandaan nila ito:

"You will fall in love whether your standards are met or not."

Ayan ang pito sa mga libo libong dahilan kung bakit CHOOSY ang mga BABAE sa lalaki. Bahala na kayo umisip sa iba pa. Pero yang pagiging mapili na yan, karapatan din naman nila yan, kaya't kung hindi talaga tayo ang mahal ng babaeng iniirog natin... respetuhin natin ito dahil sa bandang huli sila pa rin naman ang masusunod sa kung ano ang dinidikta ng kanilang puso. Basta... WAG LANG OVER SA PAGKA CHOOSY!

:)

ALMOST.

We are the perfect picture of happiness. You are my night and day and I am your yesterday and today. Everything about us is so perfect. Your face carved by an angel, the sweet sound of your voice, your eyes as black as night but as beautiful as the stars as it sparkles whenever you smile, your lips that's so soft everytime it touches my cheeks. You. The oh so perfect you. We are the perfect picture of happiness.

Because of you, I end every single day of my life with a smile. Every night, I'm fighting the gloom and exhaustion that I feel just to think of you. Imagining you that you're with me is just an uplifting feeling. It takes me to the skies. I know that, because I am being loved by an angel. I don't want-I don't need to sleep. I don't need to dream anymore for I already have you. We may not be sleeping in the same bed, but I know that with our love, we are together... no matter how far we are with each other. I just want to think of you, that's enough, actually, that's more than enough. 

Up to this very moment, I can't still believe that someone like me is being loved by Someone Like You. Euphoria. That's what I felt ever since the day you said that you love me. Bleeding inside, trying to contain that immeasurable feeling of joy and happiness. That's the happiest moment of my life... knowing that I'm going to live my life with you. Magical. Surreal. Unbelievable. Yet, there you are, loving me wholly and completely.

Days passed and still, there you are. Giving all the love that you can give to me. I ought to find this unfair. Thinking  that you're too good to be true. I am not fit for your love. I have doubts inside me. And those doubts are holding me back. But, you're giving me the feeling that we're really made for each other beyond the circumstances. Loving me unconditionally.

And after that, we forget all our worries and I became your world you became my life. We promised to each other that we're going to spend the rest of our lives together. Holding each other's hand , looking at each other's eyes and to love each other infinitely. What we have is perfect. What we have is magical.

We are the perfect picture of happiness. Oh! I forgot, WE USED TO BE THE PERFECT PICTURE OF HAPPINESS.

What we had is perfect. What we had is magical. But it seems like that 'magic' isn't a magic at all. It's just a trick that deceived my eyes. Making me believe that everything's real. But it's not. It's not...

Martes, Oktubre 22, 2013

BITTERSWEET. SWEET and BITTER

Masarap magmahal di ba?

Masarap naman talagang magmahal hindi ba? Hindi naman sa nagpapaka hopeless romantic ako, pero masarap magmahal dahil sa masarap magmahal. Iyon na iyon at wala nang iba pang dahilan kung bakit masarap magmahal. Magulo ba? Ayos lang yan, magulo rin naman kasi talaga magmahal. Masarap na magulo.

Masarap magmahal. Ilang beses ko nang nabanggit. Masarap lalo na't pag minamahal ka ng taong mahal mo. Bata palang tayo ay nakararamdam na tayo ng pagmamahal. Kahit nga sa sinapupunan ka pa nga lang eh. Kahit ultimo nung nasa prosesong ginagawa ka palang. Nag-uumapaw ang pagmamahal sa mga oras na iyon, na kahit hindi ka pa nabubuo, may pagmamahal na agad na nakadikit sa'yo at sa buo mong pagkatao. Hindi mo man maramdaman minsan, pero anjan yan.

Pero hindi naman iyon ang gusto kong pagdiinan. Bakit maraming 'bitter' sa mundo, gayong alam naman nating may mga nagmamahal sa atin? (Magtataglish nalang ako hindi naman ako linggwista eh) Well, lahat naman tayo nakakaranas ng bitterness. Bitterness sa grades, sa buhay, sa karelasyon at sa kung ano-ano pa. Bitterness. Pait. Ampalaya.

Sa palagay ko, hindi naman talaga ginugusto ng tao na maging bitter sa kung ano mang bagay o tao na minsang nagpasaya sa kanila, na ngayon ay dahilan kung bakit sila nagdurusa. Siguro, yun lang ang tanging paraan para makalimot. Pait lang naman kasi ang makakapag neutralize ng tamis bukod sa alat at anghang.

Masarap na kombinasyon ang pait at tamis. Personally, I enjoy drinking black coffee as long as it's sweet. I don't care if it's not creamy, but as long as it's sweet. I don't mind it at all. Para din yang dark chocolate, hindi nakakaumay, because bitterness incorporates well with the sweetness. Sa unang kagat malalasahan mo ang tamis na para bang gusto mong maumay nalang, but before you swallow it, there goes the bitter part in which the blast of flavors happen inside your mouth. Kung ang dila ay isang reproductive organ, it probably had its orgasm. (Para sa akin ah, bilang fan ako ng dark chocolates)

Parang sa buhay natin, o sabihin na nating sa isang relasyon. Matamis, masarap nga magmahal di ba? Perpekto ang lahat. Blue skies and sunshines. Smiles, laughters and colorful memories. Pero pag wala na yung pagmamahal which is the main reason why all those things happened to your world o may nangyaring nag-alis ng lahat ng magagandang bagay na pinagsasaluhan niyo-wala na. Pait, galit, sakit at luha nalang ang matitira. Aabot pa sa puntong ultimo sa sarili mo, naaawa ka. Self-pity. 

Bakit kailangan maging bitter? Hindi ko alam ang tunay na sagot, hindi naman ako nagreresearch sa kung ano ang naiisip kong isulat. I just think things over.

Pero eto ang dahilan ko kung bakit ako bitter, este, bakit nabibitter ang isang tao. Darating kasi sa punto na gusto mong burahin ang lahat ng matatamis na ala-alang iyon. Sabi nga nila di ba, yung matatamis na yan nakakadiabetes, tapos ikaw, naghihilom ka-syempre, may sugat... nahihirapan ka ngayong maghilom ng mga sugat mo. Kung baga sa damdamin natin bilang mga tao, yan kasing matatamis na ala-alang yan, nagiging bangungot kapag nawala na yung pagmamahal (like what I've mentioned earlier). Kaya ayan ka... BITTER-dinaramdam mo ang sakit na ibingay ng sobrang tamis na pagsasama sa iyo na sa parehong paraan, nilalabanan mo, winawaksi mo.

Kung mapapansin mo, matapos mong magmahal, puro negatibo na lang ang makikita mo sa taong yun, lalo na't pag desperado ka nang magmove on. Sabi nila, "love is blind". Perfect para sa'yo ang taong mahal mo. You will never see his/her imperfections, because for you, he or she is perfectly imperfect. ACCEPTANCE. 'Yun ang tawag dun.

Pero at some point, lalo na't pag wala ka nang choice kundi ang mag move on nalang, lahat ng negatibong bagay o katangian sa taong mahal mo na hindi mo pinapansin o tinanggap mo nalang noon, pinapansin, nakikita at inuungkat mo na ngayon.

Halimbawa: Ngayon, nasasabi mo nang may body odor siya sa tuwing magkayakap kayo. O kaya may halitosis siya kaya bihira lang kayo maghalikan noon o kaya tinitiis mo nalang. Oh, inuungkat mo lahat ng mga bagay o dahilan ng mga pinag-awayan niyo noon.

Bakit ganoon? Para magalit ka sa kanya. Kasi, tinuturuan mo ang sarili mo na magsisi na hanggang ngayon minamahal mo pa siya o magdalawang isip pa na umasang may babalikan ka pa. Ginagamit mo yung mga kapintasang iyon para itigil na ng isip at puso mo na mahalin ang taong iyon. Dahil 'yun lang naman ang tanging paraan para makabuo ng isang bagay na maari mong ihampas sa sarili mo nang mabagok ang ulo mo at bumalik ka sa katinuan. Para masabi mo sa sarili mo na kaya mo pa rin namang mabuhay ng may tamis at ligaya kahit wala siya.

Love is blind? That's not true. Kakatayin ko ang mag-push nyang Love is Blind na yan! Love is not blind. It sees. But it does not mind. *Ang baduy ko mag english.* Pero yun ang totoo.

Bakit kailangang maging bitter? Ito ang pinakasimple kong sagot:

Kailangan mong maging bitter kasi dumaan ka sa punto ng buhay mo na wala kang ibang nalalasahan o nararanasan kundi tamis o sobrang tamis lang. Kailangan mo ng pait para ma-appreciate mo ulit yung mga simpleng bagay na nagbibigay pala sa iyo ng tamis noon pa, pero hindi mo na nalasahan kasi sugarcoated ka na masyado.

Tama naman di ba? Nung nagkarelasyon ka, naalala mo pa ba ang mga kaibigan mo? Ang nanay mo? Ang pamilya mo? Sa palagay ko, hindi na masyado. Kasi akala mo araw yang karelasyon mo. Sa kanya nalang umiikot ang mundo. Pero, mali ka! Kaya nung nagbreak kayo, hirap ka mag move on! Bakit? Kasi nakalimutan mong may mga taong nagmamahal sa'yo nung nawala yung taong minamahal mo. Ayan ang gusto kong ipunto. Naiintindihan mo ba ako?

Parang sa hapag-kainan lang yan. Umiinom ka ng orange juice na sakto lang ang lasa pero kumain ka ng panghimagas na yema, kaya naman nung pag-inom mo uli ng juice, parang pakiramdam mo wala nang lasa, pero ang totoo-MERON. Kaya anong gagawin mo? Iinom ka ng tubig o kakain ka ng ibang pagkain na mag-aalis ng tamis sa iyong dila. Parang ganun lang ang buhay, hindi lang sa buhay pag-ibig ah, sa lahat ng aspekto ng buhay, ganyan ang nangyayari. Hindi ka naman makaka move on kung ayun at ayun lang ang nararamdaman mo. Ang pagmamahal naman ay hindi katulad ng phobia na through exposure eh mawawala.

Ay mali, hindi naman pala nawawala ang pagmamahal. Nagbabago lang ito ng lebel.

Di ba masarap magmahal?

Masarap naman talaga. Magulo nga lang din talaga. Masakit rin kung minsan. Pero, kung talagang nagmamahal ka ng tapat at totoo, at matutuo kang mahalin yung mga maliit na bagay na nagpapaligay sa'yo, siguro hindi mo naman na mararanasan ang pait at sakit at hindi mo na kailangang dumaan sa misrableng punto ng ating pagiging isang tao. Kasama talaga yan sa buhay, kaya dapat lagi tayong handa sa mga lasa na ipapalasap nito sa atin.

Boring kasi pag puro tamis at pait lang. Nakakasawa.

Lunes, Oktubre 21, 2013

ALAMAT. LEGEND

Si Bugris ay isang baboy. Mataba, maputi, masiyahin, pero siya ay baboy. Marami man ang nangdudusta dahil sa kanyang kababuyan at katabaan, hinahayaan nalang niya. Sinasabi nalang niya sa sarili niya, "Ganyan eh, mga hayop lang talaga."

Dahil sa kababuyan ni Bugris ay maraming nang-aasar at may ayaw sa kanya, ngunit, dahil na rin sa kababuyan niya sa parehong paraan, marami siyang napapatawa, marami siyang naging kaibigan. Kaibigan na ring masasabi dahil maayos naman ang pakikitungo nila kay Bugris.

Marami pang ibang hayop na kaibigan si Bugris. May kambing, kabayo, tilapia, bisugo, may broccoli na rin, at marami pang iba. May ahas pa nga minsan eh. Pero ganun pa man, sa kabila ng kanilang pagkakaiba ay masasabi namang maayos ang kanilang samahan sa pang-araw-araw na basehan. May hindi pagkakaintindihan, pero ayus lang. Sama-sama silang namumuhay sa isang lugar na kung saan sila naghahasik ng kani-kanilang kahayupan.

Sanay na sila sa bawat isa. Hindi man perpekto ang pag-uugali ng bawat isa, nagagawa pa rin naman nilang mamuhay ng tahimik maliban nga lang pag nagsama-sama na silang mga hayop dahil napaka-iingay nila. Pare-parehong mga tunog, pare-parehong mga amoy, pare-parehong mga mukha ang naririnig, naaamoy at nakikita nila sa araw-araw na ginawa ni Bathala.

Napaka saya lang isipin na magkakaiba man sila ng tunog na ginagawa, nagkakaintindihan pa rin sila. "OINK! TIKTILAOK! HISSSS! MOOO!" Ganyan sila magusap.


Isang araw, may bagong salta sa Animalia. (Kaharian ng mga Hayop) Isang malaking hayop na maamo ang mukha. Kung titingnang mabuti, parang ang lambot-lambbot niya. Parang mas malambot pa kesa kay Bugris. Mabalahibo. Maitim ang mga mata niya, gayon na rin ang kanyang mga braso, binti at maging ang kanyang tenga,  samantalang puti naman ang kanyang ulo at katawan.

TRANSLATED into Filipino:
"Anong Hayop yan?" tanong ni Bugris sa kaibigan niyang tutubi- si Tintin.
"Panda 'yan, galing siya sa kaharian ng mga tao na guhit lang ang mga mata", tugon nito.

"Ang cute naman niyang hayop. Kakaibang oso. Ngayon lang ako nakakita ng tulad niya." Nakakangangang sabi ni Bugris sa kanyang kaibigan habang sumusungkal ng darak.

Hindi natapos ang araw na iyon ng hindi nakikipag kilala ang baboy sa oso. Mainit namang tinanggap ng bagong kakilala ni Bugris ang inalok nitong pagkakaibigan. Para bang nasa alapaap ang baboy. Tila tinubuan ito ng pakpak at sabay inilipad sa himpapawid ang kanyang buong katawan dahil sa ligaya. Masaya siya at nagkaroon siya ng pagkakataong makausap ang isang napakagandang hayop. 

"HAYOP SA GANDA"

Buong araw ay magkasama sa kagubatan ang dalawang bagong magkaibigan at sa hapon naman ay sabay silang umuuwi sa kani-kanilang mga tahanan kasama ang kanilang iba pang hayop nilang mga kaibigan. Habang tumatagal, lalong lumalalim ang pagkakaibigan ni Bugris at Meiling. (Pangalan nung Panda)

Hanggang sa isang araw nalang ay may naramdaman si Bugris na kakaiba. Para bang inaalog ang mga taba nito sa katawan, tumatayo rin ang kanyang mga balahibo sa tuwing nagkikita sila ni Meiling.

"Naiinlove na ba ako sa kanya?"

Ewan ko. Hindi niya alam. Hinayaan lang niya ang kanyang nadarama. Itinago ito at palihim na lamang na umibig kay Meiling. Ngunit, alam naman nating lahat na lahat ng iniipon-dumarami. At lahat ng dumarami-naiipon. At lahat ng naipon, napupuno, at pag napuno na, kusa na itong lalabas sa pinagkakalagyan nito.

Simula ng nalaman ni Meiling na may nararamdaman si Bugris sa kanya ay nagumpisa nang maglaho ang kanilang pagkakaibigan. Hindi na sila nag-uusap at hindi na rin sila nagpapansinan. Nanghihinayang man si Bugris, wala naman siyang magawa. Gustuhin man niyang lumapit, hindi pwede.

Naglaho man ang kanilang pagkakaibigan, pero ang pagmamahal ni Bugris-hindi. Sana ganoon nalang kadaling burahin ang damdamin ano? Sana ganon nalang kadaling lumimot. O kaya naman natuturuan ang puso na ibaling nalang sa ibang bagay ang nararamdaman nito kahit pa utak naman talaga ang nagsasabi kung sino ang mamahalin ng isang hayop o tao. Sana hindi ganoon kasakit pag hindi tinanggap ng isang hayop ang pagmamahal mo para sa kanya. Sana may sariling pag-iisip ang mga mata para alam nito kung para kanino luluha. Sana alam mo nalang agad kung may makukuha ka bang pagmamahal kahit kaunti o wala. Puro sana, ang daming sana, pero hanggang sana nalang.

Alam ni Bugris na wala nang kahahantungan pa, pero hindi niya alam kung bakit umaasa pa rin siya. Siguro, ang pinakamasakit na yugto sa buhay ng isang nagmamahal na hayop ay yung hindi mo matanggap sa sarili mo na hanggang doon nalang ang mararating mo. Wala na ngang pag-asa pero hindi mo alam kung saan ka humuhugot nito at umaasa ka pa rin.

Dumaan ang mga araw at wala pa rin. Tila may hinihintay ang  Baboy. Kung ano man 'yon hindi niya rin alam kaya wag mo akong tanungin.

Hanggang sa dumating nalang yung araw na napagtanto ni Bugris na kahit kailan hindi babagay ang isang baboy sa isang oso na galing China na kumakain ng kawayan. Kahit anong pilit niya, wala pa rin namang magagawa dahil hindi nga pwede kahit na lumuha pa siya ng dugo.

Kaya naman tinaggap nalang lahat ni Bugris at naging masaya nalang ito sa kanyang kababuyan at sa piling ng kanyang mga kaibigang over din sa kahayupan.

BAWAL mag CROSS BREED ang baboy at oso. Pero ang tanong, bakit may mga biik na batik? Sino ang ina nila? COW? COW nga ata! :D

Huwebes, Setyembre 19, 2013

HAPPINESS CAMPAIGN: Adopt a Cat

PUSA ang isa sa mga pinaka malambing na alagang hayop sa mundong ito. Gaya ng pusang ito na nakita kong nilalaro ng kapitbahay ko. Sabi niya, nakita niya itong pusa sa bahay na pagitan ng aming mga tahanan, kadalasang walang tao roon, ngunit pag meron, talaga namang naglalagay ng makakain para sa mga pusa ang may ari ng bahay na iyon. (Mabait naman kasi si Kuya) Kaya naman siguro doon na naisipang manganak ng nanay ng kuting na ito. Dahil bukod sa may bubong sila roon, eh may magpapakain sa kanila roon. Dahil nagkataong nandoon si kuya ng mga panahong nanganak ito.

Isang gabi ay nakita ito ni Ate na talaga namang napakahilig sa pusa. Kaya naman pinasok niya ito sa kanyang bahay at doon pinakain, pinainom ng gatas at kinupkop. Yung nga lang, umiiyak rin ito dahil hinahanap nito ang kanyang nanay. Sa di malamang kadahilanan may nakita si Ate na pusang nagaabang at sumisilip-silip sa harap ng bahay nila, kaya naman, kinabukasan binalik rin niya ang kuting sa kanyang ina na sa katabing bahay naglalagi.

Nang hapong iyon, nang ako ay papauwi, ayun na nga't nakita ko si Ate na nilalaro ang magiina. OO, mag-iina kasi dalawa pala silang kuting. Itim at puti yung kapatid niya ganyan rin ang mata 'yun ngalang ayaw pa magpa-picture. -__- Pero dahil napaka cute nilang dalawa, hindi na muna ako pumasok sa bahay. 

"Earl Picture-an mo!" sabi sa akin ni Ate.

Kaya ayan, may picture siya. Sa sandaling panahon na nasilayan ko ang pusang ito, hindi na siya nahiyang mag-pose para sa camera ko. At sa maikling panahon na iyon, naglalambing na siya sa akin. Ngayon, nasa bahay na siya ni ate. Maligaya na siya ron, maligaya na rin si Ate.

Ganyan magpaligaya ang mga hayop. Hindi lamang ang mga pusa. Mahalin mo sila ng buo, at mararamdaman mo ang tunay na pagmamahal nila sa'yo, hindi nga lang sa makataong paraan, ngunit sa sarili nilang pamamaraan at kagustuhan.

So for those people who doesn't have a pet yet. Try to have one. It's just completely satisfying. You'll be happy, and also, you'll be the reason for your pet's happiness. :)


ITO YUNG MGA PICTURE NI KUTING
I even used these photos on our photo essay :)






Biyernes, Setyembre 13, 2013

Ito yung isa sa mga article ko nung 1st year college pa ako tungkol sa Dome ng PUP. (Maghanap daw kasi ng lugar sa PUP na pwedeng gawan ng artikulo) Pagpasensyahan niyo na at hindi naman ako Linguist :)))))

DOME of DOOM and HOME.
               

Here I am again, trying to find myself. Been running in circles and I just couldn’t find the end. I can already feel the exhaustion from inside, like a monster caged in a cell of diamond bars, wanting to get out.
            Few steps more and I think I will pass out. But no! I have to hold on. Open your eyes! Think of your dreams… dreams… dreams… I have lots of it. Talking to myself, I have nothing left to do. Inhale, exhale. HUH!!!! I can barely breathe! All my life I’ve been suffering, and now, I am here, still suffering.
            Time moves slowly. I’m in a different dimension every time I’m here in this place. My knees are trembling. My throat dries in every step that I make. Carrying the load of my problems, drawn into a paper of agony and despair, where is this going? Am I wasting my time? I’m lost. No, I’m not. Am I? I am really confused…
                I’m not lost physically. But I lost my mind already. My ears had been hearing sounds that I don’t know where it came from. I am scared. I am not scared to die here, I am scared that I might lose on my own fears and just forget the true purpose why I am here. They say that when you’re having doubts and you want to let go, think of the things why you held for so long. I’ve come so far. There’s no turning back now.
            I’m still here, walking. I look up, and see nothing. It's just endless. The tears in my eyes wanted to go out, but, I thought, I’m a big boy now, and big boys don’t cry so I did my best to hold them inside as I continue my journey, I don’t care if it will take me a thousand years to go there… but I will fight all the odds.
            On this journey that life has given me, there’s nothing that I could ask for more. This suffering that I am facing right now, I know that it has a purpose. It will make me learn that I couldn’t rush perfection. I can do it! It may take so long. But I know, I can do it.
            One deep breath on every step, one deep breath on every second that has been wasted, one last breath that I could give. It feels like heaven. I can see the light, I can see the end. The end is near.
            Relieved, and yes, I am already here. The thorns on my throat seem like melted as I persisted to swallow air for my throat had dried out. My worries are gone now. Catching my breath, I checked the time. I spent 8 minutes walking, climbing up. Yes, it’s the climb!
            Wait?!! 8 minutes?!! it seems like I’ve been walking for almost an hour or more. It was a very different feeling, walking at the DOME of PUP main building. It brings you somewhere else. Seems like the time stops for awhile. Minutes felt like hours, or even days! It was a tiring experience walking at a stairway??? Or a way to 6th floor.
            It will make you give up, but because of your dreams, you’ll continue walking. And honestly, Dome is not recommended for people who are trying to chase the time on their first subject, it will make you suffer, it will bring you DOOM!!! But, when you’re having a conversation with your friends or with someone who lightens up your day, I’d say that, DOME is the right way for you. Dome will make you feel that you’re at HOME.
            Somehow, Dome didn’t bring me much suffering, I am just describing my very first experience going up to highest floor of PUP Main Building using The DOME. Even though I am just a freshman student and I am just finishing the first semester of my college life, Dome had given me and my classmates lots and lots of happy memories, and I am expecting that he’ll give us more J
  Just bring a bottle of water…

***
Ito yung Dome. Paikot na daanan kung tinatamad kang maghagdan. Imaginin niyo na lang. Pa spiral ang hugis.
Photo is owned by: theboywhocantspeak.tumblr.com
          

Martes, Setyembre 10, 2013

Isip-isip din 'pag may Time

Maraming tumatakbo sa bawat isipan ng tao. Gaya ko...kadalasan, maraming tumatakbo sa aking isipan. Mga bagay na maaring hindi magustuhan ng ibang tao, maaring mga kaisipang ikatutuwa, ikaiinis, ikalulungkot, ikalilito at minsan mga kaisipang pinandidirian ng tao. Ayan ang mga bagay na "TAMBAY" sa utak ko. Hindi naman ako psychology student at wala akong alam sa field na iyon, hindi rin naman ako mahilig sa siyensa na may kinalaman sa utak at pag-iisip ng tao. Siguro nagkataon lang na sa sobrang dami kong naiisip, marami akong napagtatanto, tama man o mali, at least, alam ko na nagbubunga ang pag-iisip ko ng kung ano-anong mga bagay.

Lahat ng tao ay may kakayahang mag-isip. May kwenta man yan o wala. Ang mahalaga ay nagagamit mo ang utak mo kahit na hindi mo alam kung nagagamit mo ba ito ng tama o hindi. Ano nga ba ang koneksyon ng takbo ng pag-iisp sa takbo ng isang indibidwal sa kanyang buhay? Ang totoo? Hindi ako sigurado. Pero ang alam ko, sa sarili kong karanasan, malaki ang epekto ng kaisipan sa kung paaano mo papalakarin ang iyong mga paa, kung paano mo ibubuka ang iyong mga labi, kung paaano ikukumpas ang iyong mga kamay, kung paano ka kikilos, kung ano ang iyong magiging emosyon sa bawat araw, at kung paano mo titingnan ang mga bagay-bagay. Negatibo man ito o hindi. Dahil kung hindi ka nag-iisip, malamang sa malamang, hindi ka tao. Bakit? Wala nang kwenta ang buhay kung ultimo para sa sarili mong kapakanan, wala kang pakinabang. Pero, alam ko namang nag-iisip ka, kaya wag kang mag-alala.

PAANO MO PAPALAKARIN ANG IYONG MGA PAA BASE SA TAKBO NG IYONG PAG-IISIP?

May mga punto sa ating buhay na para tayong naliligaw, o hindi tayo makapag desisyon kung saan ba tayo dapat magtungo, o saan ba tayo dapat lulugar. Ako? Madalas malito ang mga paa ko. Hirap akong mamili sa mga lugar na kung saan ba ako dapat pumaroon. Kadalasan rin, wala ako sa lugar. (Sa lahat ng aspeto, hindi lamang sa literal na kahulagan kung saan ako dapat lulugar) 

Ayan ang problema ko. Dahil nga sa marami akong iniisip, ang bunga nito, ang mga paa ko ay nagkakaroon rin ng sarili pag-iisip. Oo. Iniisip nila na kaya nilang magtungo sa magkaibang lupalop sa parehong oras. Pero kung sa ibang tao, paano nga ba naapektuhan ng pag-iisip ang ating mga paa? Yung pakiramdam na pareho mong gusto makapunta sa dalawang lugar. Hindi ka makapili. Wala kang magawa.

Simple lang. Parang ganito lang yan eh. Sa eskuwelahan, kung ikaw ay isang uri ng tao na laging nag-iisip tungkol sa iyong pag-aaral, saan ka ba dapat tutungo? Sa lugar ba na maingay, o sa lugar na magagawa mo ang gusto mo na kung saan ay makakapag-isip ka ng maayos? Saan ba dapat pumunta ang taong laging naghahanap ng makakausap? Sa library ba? Saan ba dapat pumunta ang taong mahilig kumain? Eh ang taong wala naman sa paaralan ang pag-iisip kundi nasa dyowa o di naman kaya'y nasa computer shop? Napaka dali nang sagutin ng mga katanungang yan. Dahil sa ating mga sarili mismo mangagaling ang mga hinahanap nating kalinawan. 

Ngunit paano kung tayo'y nasa punto ng kalituhan? Ano na ang mangyayari sa atin? Susundin pa ba natin ang ating pag-iisip at ang ating personalidad? O bahala na kung saan tayo dalhin ng tadhana? Ayan ang iiwan ko sa inyong katanungan.

PAANO MO IBUBUKA ANG IYONG BIBIG AYON SA IYONG PAG-IISIP?

Maaring ngayon ay barubal ka magsalita, maaring bukas hindi na. Paano ka ba mag-isip? "Baboy" ka ba mag-isip sa lahat ng oras? O paminsan minsa'y nagiging pormal ka rin naman?

Napakadaling magbago ng pag-iisip at pamamaraan ng pananalita ng tao. Minsan pa nga ay kahit hindi naman angkop sa diskurso, may mga bagay kang bigla mo nalang nasasambit, paano, tinulak ng ngala-ngala mo ang dila mo kaya ito nadulas. Ayon kasi ang kasalukuyan nasa isip ng tao habang siya ay nagsasalita. Kaya kahit napakalayo sa usapan, bigla-biglang lumilitaw.

PAANO KA KUMILOS AYON SA IYONG PAG-IISIP?

O paano ka mag-react sa mga nangyayari sa iyong paligid? Paano kung bayolente ka mag-isip? Mananapak ka nalang ba agad-agad? At pagtapos ay bigla mong sasabihing natakpan ng mga talukap ang iyong mga mata at BIGLANG NAGDILIM LANG ANG IYONG PANINGIN? Siguro ayos lang iyon para sa'yo at iisipin mong mapapatawad ka rin naman agad ng sinapak mo dahil hindi mo naman sinasadya.

Pero sa kabilang banda, paano yung taong nasaktan mo? Ayos lang rin kaya sa kanya na basta-basta ka na lang patawarin nang hindi nakakaganti? (Lahat tayo gustong makaganti pag nasasaktan tayo. Wag ka na magdeny. Hindi ka naman Santo. Tao ka.)

Kaya nga sabi ng mga teleserye, guro, pari at pati na rin ng mga magulang natin... Pag-isipan mo munang mabuti ang mga bagay na gagawin mo bago ka kumilos. Paano ka ba mag-isip? Padalos-dalos ba o nagninilay-nilay ka muna ng mga tatlong linggo bago gumawa ng aksiyon?

PAANO MO TINGNAN ANG MGA BAGAY-BAGAY AYON SA IYONG PAG-IISIP?

Masayahin ka bang tao o lahat na ng negatibong aspeto sa isang buhay ng tao ay taglay mo?

Alam mo naman na siguro ito? Pero ito ang isang halimbawa:

Si Masayahin ay naglalakad ng masaya, ngunit sa kasamaang palad ay nadapa ito at sumusob ang mukha nito sa tae ng aso na kulay yellow.(paano titingan ni Masayahin ang pangyayaring iyon?)

Siguro iisipin niyo, dahil nga sa masayahin siya, okay lang sa kanya at hindi siya mababadtrip. Tama naman iyon. Pero naisip ko, ito ang sasabihin niya. (Monologue)

MASAYAHIN: Ay! Hala ang galing! Pag nakatapak ng tae di ba ibig sabihin swerte? Paano pa kaya yung nakakain? Uuwi ako't ipagkakalat ang magandang balita. maghihilamos na rin at magsisipilyo.

(Nakakain? akala ko ba nasubsob lang?)

OO! Nakakain! Bakit? Siyempre pag nadapa ang isang tao, mapapasigaw ito, paano ba sumigaw? Hindi ka naman makakasigaw kung nakasara ang mga labi mo.

Positibo. Paano mo titingnan ang pinaka negatibong pangayayari sa pinaka postibong paraan? Parang paglipad. Imposible sa tao ang lumipad. Pero iisipin mo na kaya mong lumipad dahil postibo kang mag-isip. Hindi ka man literal na ikaw mismo ang lilipad, pero dahil sa kakaisip mo ng mga paraan, makakalipad ka.

Sa inyong palagay, ano kayang mangyayari kung kay Busangot nangyari ang kapalaran ni Masayahin? Palagay ko, lahat ng murang alam nito sa kahit na anong lenggwahe at diyalekto ay nasabi na nito.


Ito ang nangyari:

Si Busangot ay naglalakad ngunit sa napakasaklap na pangyayari ay nadapa ito at sumubsob sa Tae ng aso na kulay yellow.(Gaya rin ng kay masayahin, nakanganga rin siya at nakakain ng kaunti lang naman)

BUSANGOT:%&^%$&$^&^&%^&^**&*%*&%*&%*&%*%&%^@!$!#$%$%@$%@$%$#%^%^^&%*&**%&$%^@#%@$!$@#$%$^%&^&%*^(

Kung ano man ang mga sinabi ni Busangot, eh hindi ko na alam. Kayo na ang bahalang mag-Fill in the Blanks.

***

Maraming pwedeng magawa ang masinsinang pag-iisip. Dahil sa pag-iisip ng tao, umunlad ang pamumuhay natin. Sana nga lang ay gamitin natin ang kapangyarihan nito sa mabuting paraan nang sa gayon ay hindi masayang ang lahat ng oras na iginugol ng mga tao noon sa pag-iisip.

Ang kapangyarihan ng ating pag-iisip ay ang kakayahan nitong patakbuhin ang ating buhay sa lahat ng paraang ating maiisip. Gaya nga ng lagi kong itanatanong sa artikulong ito, Paano ka ba mag-isip. Isipin mo na kaya mo. Isipin mo na lahat ng bagay ay nasa kung paano mo ito iisipin. Magulo ba? :D Ganyan talaga, para mag-isip ka.

Ang buhay natin, magulo yan. Maraming buhol, maraming dumi. Nasa pag-iisip mo kung paano mo malalagpasan ang lahat ng 'yan. Karapatan mong mag-isip, may kapangyarihan kang mag-isip. Sana'y wag mong sayangin. Gaya nga ng sabi nila, "Isip-isip din pag may time."